"Masahista" actress Katherine Luna dances in a club to support her kids

IMAGE 0


Former actress Katherine Luna dances in a club to support two of her children. She rejects left-handed offer of support from actor Coco Martin, father of her two-year-old child, who says she's just using him.



Aminado ang aktres na si Katherine Luna na nagsasayaw siya ngayon sa club. Ang balita pa nga ay sa mga "cheapy bars" nagso-show ang premyadong aktres.

"Hindi naman talaga siya actually mga cheapy-cheapy bars. Pero sumasayaw talaga ako sa club," pahayag ni Katherine nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after ng performance niya kagabi, October 13, sa show ng PMPC (Philippine Movie Press Club), ang Movie Writers on the Loose, sa Zirkoh Timog.



Saang mga club siya sumasayaw?



"[Sa] Classmates...dun pa lang naman ako sumasayaw," sagot ng aktres.

Nilinaw naman ni Katherine na hindi "all the way" ang ginagawa niyang pagsasayaw.

"Hindi po! Naka-two-piece ako tapos may see-thru. Wala po yung all the way. Anyway po, hindi na naman ako makakapag-all the way dahil hindi na po ganoon kaganda ang katawan ko. Tatlo na po ang nagdaaan sa akin," natatawang pahayag ng aktres, tinutukoy ang tatlo niyang anak.



Ikinuwento rin ni Katherine na naghirap talaga siya noong kasalukuyang buntis siya sa ikatlo niyang anak. "Kasi nawalan ako ng trabaho [sa showbiz], tapos yung ex-live-in partner ko [na JM ang pangalan], lumala rin yung sitwasyon sa trabaho niya. Parang lumiliit yung income namin, kaya naghirap talaga ako."



Tungkol naman sa nagtitinda na lang daw siya ng barbecue, pahayag ni Katherine, "Nagpatinda lang po ako, pero hindi ako ang nagtitinda. Nagtayo lang po ako ng business [sa Singalong, Manila], tapos kumuha ako ng tao para mag-handle."



Pero ang balita siya mismo ang nagtitinda.



"Minsan po, pumupunta ako doon," pag-amin ni Katherine. "Wala naman pong masama sa ginagawa ko at hindi naman ako nagnanakaw. Mas masama naman yung magnakaw ako at manghingi sa ibang tao, di po ba?"



Kumusta na ang anak niya kay Coco Martin? May suporta ba itong natatanggap mula sa ama?



"Hindi ko rin hinihingi. Actually, hindi ko tinatanggap. Ngayon, parang gusto niya [na magbigay ng suporta]. Kasi everytime na nasasangkot siya sa isyu ng pangalan ko, lagi niyang sinasabi na ginagamit ko siya. Which is hindi naman dapat, di ba? Huwag na lang, tahimik na ang buhay. Okay na ako, e, di ba?" sabi ng sexy actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Isa raw sa dahilan ng pakikipaghiwalay niya kay JM ay dahil sinasaktan siya nito. Totoo ba?



"Hindi naman niya ako sinasaktan nang pisikal. Masyado lang siyang seloso. Parang ano... kasi sobrang sakal na ako sa kanya," sabi ni Katherine.



Two months na raw silang magkahiwalay. Na kay Katherine ang anak niya kay Coco na two years old na at ang bunso nila ni JM na three months old pa lang. "'Yung boy, ‘yung pangalawa, nasa kanya," dagdag ni Katherine.



Lessons in love?



"Sobrang dala na ako!" bulalas niya. "Ayoko na! Ayoko na! Mas pokus ko ngayon sa mga anak ko, kung paano ko sila bubuhayin. Kung paano ko sila bibigyan ng magandang buhay."



Sa showbiz?



"Sa showbiz...sana may tumanggap pa. Sana may mga taong magtitiwala pa. Sobrang laki ng panghihinayang ko. Pero tulad ng sabi ko, tao lang po ako, umiibig. Madali lang po akong magmahal. Isa ‘yon sa nararamdaman kong kailangang tanggalin ko. Isantabi ko muna. Kalimutan ko muna," sabi niya.



Ano ang mensahe niya sa mga taong humuhusga sa kanya ngayong nagsasayaw siya sa club?



"Hindi naman po sila nagpapakain sa akin. Hindi naman po sila ang nagbubusog sa mga tiyan ng mga anak ko. Wala naman po akong ginagawang masama. Nagtatrabaho lang ako. Kung sa tingin nila hindi marangal...hindi ko naman po ibinebenta ang katawan ko," pagtatapos ni Katherine.



Nakilala si Katherine sa critically acclaimed independent film na Ang Babae sa Breakwater (2004). Umani ito ng maraming awards sa iba't ibang international film festivals. Huling napanood si Katherine sa pelikulang Masahista (2005), kung saan nakasama niya si Coco Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN