Debutante Inah Revilla keeps suitors at bay but has eye on special friend

IMAGE 0


Bong Revilla and Lani Mercado hosted a simple but elegant debut for their daughter Inah Revilla last night, October 13, at One Esplanade in Pasay City.



Simple pero magara pa rin ang naging 18th birthday celebration ni Inah Felicia Revilla, ang dalaga nina Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. at Lani Mercado.



Ginanap ang debut ni Inah kagabi, October 13, sa One Esplanade sa Pasay City, malapit sa SM Mall of Asia. Hindi showbiz ang atmosphere ng debut ni Inah dahil kaunti lang ang taga-showbiz na imbitado. Karamihan ay mga classmate ni Inah sa Ateneo de Manila University at mga malalapit na kaibigan ng pamilyang Revilla sa showbiz at politics.



Puti ang motif ng debut ni Inah na may accent lang ng mga pulang rosas sa paligid ng venue. Pero kung puti ang suot ng pamilya, bisita at mga kasama sa kanyang cotillion, nag-iba naman ng kulay ng debutante gown ni Inah. Kulay blue ang kanyang gown na ginawang espesyal ni Ito Corata.



"Favorite color ko talaga ang blue at itong color na ito ang gusto ko for my gown para naman maiba. Hindi ba very common na white, pink, yellow or any pastel colors ang gown ng mga debutante? For my own debut, gusto ko I would stand out, kaya ako lang ang naibang kulay. Pinipilit nga ako ni Mommy na mag-white na gown, pero ang choice gown ko pa rin ang nasunod," pahayag ni Inah sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Mas concentrated si Inah sa kanyang pag-aaral ngayon sa Ateneo, kung saan freshman siya sa kursong Legal Management. Wish daw kasi ng kanyang mga magulang na makatapos siya sa isang four-year course bago ito sumabak sa anumang gusto niya balang-araw.



"May mga offers to do a TV show, a movie, and even commercials," sabi ni Inah. "Pero hindi muna 'yan ang concentration ko. School talaga ang gusto kong harapin kasi I promise my Mom and Dad that I will finish college no matter what happens."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag niya, "Yung mga showbiz offers, I can do them kapag semestral break or bakasyon. Paminsan-minsan lang, kasi mas tutok ako sa pag-aaral ko."



May balak bang ituloy ni Inah ang kanyang Legal Management course sa pag-aabugado para pumasok din siya sa politics?



"I don't know pa, pero why not?" ngiti niya. "Uunahin ko muna itong pagtapos ng four-year course. If I'm still into studying, baka matuloy ko sa Law and eventually try out what my family is known for.



"Sina Kuya Bryan and Jolo kasi, interested na sila in politics. Siguro sila muna para malaman ko kung okay ba or hindi. I can always choose naman if I want to enter politics balang-araw or hindi. Sa ngayon, enjoy ko muna ang pagiging college student," paliwanag ni Inah.



Ngayon at nasa legal age na nga si Inah to have a boyfriend, papayagan na ba siya ng kanyang parents na tumanggap ng manliligaw?



"May mga suitors naman ako pero hindi naman sila priority talaga," sagot ng dalaga. "Alam naman nina Daddy at Mommy na may mga manliligaw at kilala naman nila silang lahat. Pero one of them stood out at nandito rin siya sa party. He's just a good friend at alam niya na hindi ko pa priority ang magkaroon ng boyfriend. Hindi ko siya ituturo kasi hindi naman siya showbiz na tao."



Pero nababalitang nililigawan siya ngayon ng anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano na si Gabriel. Mariin itong itinanggi ni Inah.



"Gab is a close friend. Naging close kami because of the fellowship we go to na New Life in Alabang. Gab is good friend pero he's not making ligaw naman. Alam nina Mommy at Daddy na close kami ni Gab, pero he's not a suitor," paglilinaw niya.



Nagbiro pa nga si Inah na isa lang ang Gab na puwedeng yakap-yakapin at halikan niya—ang pamangkin niyang si Gab, ang anak ni Jolo kay Grace Molina, na anak naman ni Rosanna Roces.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bukod sa malaking party na regalo nina Bong at Lani kay Inah, niregaluhan pa siya ng brand new car. Ayon kay Inah, marunong na siyang mag-drive pero student driver's license pa lang ang meron siya. Utos ni Bong na meron siyang driver at bodyguard.



"Hindi ba, before na-involve ako sa isang car accident with my friends? Wala na yung trauma ko, pero sina Mommy at Daddy, takot sila na pabayaan pa rin ako sa kotse. Kaya kahit marunong na akong mag-drive, it's a must na may driver ako at may bodyguard. It's okay because it's for my safety na rin," pagtatapos ni Inah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN