Actor Jolo Revilla wants to finish his education for son's future

IMAGE 0


Resiklo actor Jolo Revilla wants to finish his studies for the sake of his son Gabriel. The young dad also puts courting and love life on hold.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Jolo Revilla sa debut ng kapatid niyang si Inah kagabi, October 13, sa One Esplanade sa Pasay City. Kasama ni Jolo ang kanyang makulit ngunit very cute na anak na si Gabriel or Gab.



Ayon kay Jolo, inimbitahan din nila ang ina ni Gab na si Grace Molina at ang lola ng bata na si Rosanna Roces sa debut party ni Inah, pero hindi nakarating ang mag-ina.



"Ako ang personal na nag-invite sa kanila. Sinabi naman nila na they will try to attend kasi pareho silang may mga lakad. Wala namang problema kina Mommy [Lani Mercado] at Daddy [Bong Revilla] kasi okay naman na ang lahat sa kanila," kuwento ni Jolo.



Natuwa nga si Jolo nang malaman niyang nagkabati na ang ina niyang si Lani Mercado at ang ina ni Grace na si Osang. Mabuti na raw ‘yon dahil pareho naman nilang apo ang anak niyang si Gab.



"Sino ba naman ang gusto ng may nag-aaway, di ba?" sabi ni Jolo. "Ang sa akin, gawin nila ‘yon for the whole family. Mas maganda yung nagkakasundo kaming lahat para walang naiipit sa gitna. Right now, masaya kaming lahat kasi madalas naming mahiram si Gab. Ang laki-laki na nga at makulit na."



Wala naman daw masabi si Jolo tungkol sa nababalitang bagong pag-ibig ni Grace. Kung meron daw itong karelasyon ngayon, wish ni Jolo na maging masaya na siya. As for Jolo, wala pa raw siyang karelasyon ngayon dahil ang pag-aaral ang gusto niyang harapin.



"Mahirap manligaw kasi mas tutok na ako sa school," aniya. "Gusto kong makatapos para naman sa future naming mag-ama. Yung girlfriend, madali na lang siguro ‘yon. May mga type ako, pero control muna tayo. Ayokong masundan pa si Gab, e. Mahirap na at ako ang magtatrabaho na para sa aming mag-ama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Walang regular TV show sa ngayon si Jolo dahil busy siya sa school. Pero kasama siya sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Resiklo, na pinagbibidahan ng kanyang ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN