Ex-couple Lotlot de Leon and Ramon Christopher share costs of daughter's debut

IMAGE 0


"Dapat lang naman dahil siya ang tatay ni Janine, so talagang dapat na present siya sa debut party ng anak niya," says Lotlot de Leon about estranged husband Ramon Christopher, with whom she shared expenses for their gift to Janine, her debut.



Simple, intimate at maituturing na isang family affair ang idinaos na 18th birthday celebration ni Janine, ang panganay na anak na babae nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, last October 13 sa Alchemy Bar sa Ortigas.

Alam ng publiko na separated na sina Lotlot at Monching (palayaw ni Ramon Christopher), pero dahil nananatili silang magkaibigan sa kabila ng petition for annulment, parehong present ang dating mag-asawa sa party ni Janine.

"Yeah, Monching was there," pagkumpirma ni Lotlot. "Dapat lang naman dahil siya ang tatay ni Janine, so talagang dapat na present siya sa debut party ng anak niya.

"Ang regalo namin ni Monching kay Janine, yung mismong party niya, share kami sa gastos. Halos sa lahat naman ng bagay, share kami pagdating sa mga anak namin.

"October 2 ang talagang date ng birthday ni Janine. Medyo na-late lang ang party dahil may mga inasikaso pa kami at ‘yon yung petsa na available ang halos lahat ng gustong imbitahin ni Janine na mga kaibigan at classmates niya.

"Casual lang ang party niya, hindi yung talagang nakasanayan natin na bonggang party na may cotillion, may eighteen roses, treasures, eighteen candles, walang ganun. Mas gusto ni Janine yung relaxed na as in party-party talaga na pang-teenager, na hindi super-formal.

"Janine was wearing a beautiful party dress, hindi siya nag-gown. Her dress was a combination of white and silver na binili namin na yari na.

"Most of her friends and classmates were there, kaya masayang-masaya ang anak ko. Party-party sila, ganun. Sa family ko naman, present ang mga kapatid ko, sina Ian, Kenneth, at si Kiko.

"Ang Daddy ko [Christopher de Leon], hindi nakarating. May prior commitment siya na hindi niya ma-backout-an, pero nagpadala siya ng sulat kay Janine," mahabang kuwento ni Lotlot sa pamamagitan ng telepono.

Wala rin ang lola ni Janine na si Pilita Corrales and, as we all know, nasa Amerika ang isa pang lola ng birthday girl, ang Superstar Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa pang kapatid ni Lotlot na si Matet ay hindi rin nakarating sa party.

Sa side naman ni Monching, present sina Jackielou Blanco at Tonton Gutierrez at ang misis nitong si Glydel Mercado.

Tuwang-tuwa rin si Lotlot dahil ang ilan sa dating mga kasamahan nila ni Monching sa That's Entertainment, tulad nina Bimbo Bautista, Manolet Ripoll at Billy Crawford, ay dumalo sa party.

Dumalo rin ang ibang celebrity guests: sina Sunshine Dizon, Nadia Montenegro, Melissa Avelino, at Dennis Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN