Angelica Jones's mom fumes at Paolo Bediones for his "amnesia"

IMAGE 0


"Ang masasabi lang namin, cheap siya at siya mismo ang nagpapababa ng dignidad niya!" says a fuming Beth Jones, mother of comedienne Angelica Jones (left), about Paolo Bediones (right) who denied his alleged relationship with Angelica.



Hanggang ngayon, naiinis pa rin ang mag-inang Angelica at Beth Jones kapag nababanggit sa kanila ang pangalan ng TV host na si Paolo Bediones. Hindi pa rin daw nila malimutan ang trauma ng pagde-deny ni Paolo sa naging relasyon nito kay Angelica.

Mismong si Angelica ang nagpahayag noon sa Showbiz Central na nagkaroon sila ng relasyon ni Paolo . Tumagal daw ito ng isang taon kaya nakapagtatakang hindi na ito matandaan ni Paolo ngayon.

"May amnesia siya. Malala na ang kanyang pagiging makalimutin, patingin na siya sa doktor!" pabirong wika ni Angelica sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Movie Writers on the Loose, The Repeat ng Philippine Movie Press Club (PMPC), na ginanap sa Zirkoh Timog last October 13.

Sabi naman ni Mommy Beth, "Masakit yung ginawa niya sa anak ko, pero sadyang ganoon lang. Tuloy pa rin ang buhay ng anak ko kahit na ganyan ang ginawa ni Paolo sa kanya. Kami, handa na naming talikuran ‘yon. Alam mo naman sa showbiz, dapat lang na ituloy ang buhay, kung hindi, mawawala ka sa sirkulasyon.

"Kahit paano naman, buhay pa kami, marami pa ring trabaho ang anak ko, hindi pa rin siya nawawala. Habang inaapi siya mas lalo siyang sinusuwerte," dagdag ng ina ni Angelica.

Tinanong namin kay Mommy Beth kung bakit napalampas niya ang relasyon ng anak niya kay Paolo na umabot ng isang taon. Nangangahulugan bang boto siya kay Paolo bilang manugang?

"Ay hindi!" mabilis niyang tugon. "Hindi ako boto sa kanya, pero ayoko namang sirain ang diskarte ni Angge. Alam kong in love siya at tutal naman, nasa edad na siya, okay lang sa akin.

"Pinabayaan ko silang mag-date pero hanggang doon lang, may tiwala ako sa anak ko at pinatunayan naman niya ang tiwalang ‘yon. Pero aaminin kong masikip ang dibdib ko, laban sa loob ko yung relasyon nila ni Paolo. Kaya parang nabunutan ako ng tinik nang wala na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero talagang nainis ako nang i-deny niya si Angge," patuloy ni Mrs. Jones. "Masakit ‘yon at kung sa akin nangyari ‘yon, baka iba na ang nagawa ko. Pero salamat naman at kahit na sumama ang loob ng anak ko, cool pa rin siya. Ibig sabihin nun, hindi naman talaga siya kaseryoso noon. Ngayong tapos na, tuloy pa rin ang anak ko sa pag-aartista niya."

Marami rin daw nakaabot na mga kuwento sa kanila tungkol sa mga episodes ng pambababae ni Paolo, bago pa man maging sila ni Angelica at maging ngayong wala na sila. Ayaw na rin daw nilang magkomento tungkol dito at pababayaan na lang nilang panahon na ang humusga.

"Ang masasabi lang namin, cheap siya at siya mismo ang nagpapababa ng dignidad niya!" mataray na sabi ni Mommy Beth habang pangiti-ngiti lang na nakikinig si Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN