Rafael Rosell ignores critics who question his Urian award for "Rome & Juliet"

IMAGE 0


"May kanya-kanya naman tayong masasabi tungkol sa iba't ibang bagay,but I want to point it out that I didn't even expect to win, and Ididn't ask the Manunuri to give me such a recognition, or even nominateme," says Rafael Rosell about criticism that he doesn't deserve his Urian trophy.



Hindi akalain ni Rafael Rosell na may mga mang-iintriga pa sa pagwawagi niya bilang best supporting actor sa nakaraang Urian Awards.



Ilang linggo na ang nakalilipas nang igawad ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang nabanggit na karangalan kay Rafael dahil sa mahusay niyang pagganap sa Rome & Juliet. Pero may ilang kolumnista pa rin ang bumibira sa kanya at sa iba pang kabahagi ng produksyon na nagsipagwagi sa Urian Awards.



"I don't really mind about voicing out one's opinion," sabi ni Rafael sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "May kanya-kanya naman tayong masasabi tungkol sa iba't ibang bagay, but I want to point it out that I didn't even expect to win, and I didn't ask the Manunuri to give me such a recognition, or even nominate me.



"Ibinigay sa akin 'yan, bakit ko kukuwestyunin? Kusang-loob nilang ibinigay 'yan at nagpapasalamat ako. I know how prestigious the Urian is, so I guess, kung nagrereklamo sila, wala akong magagawa doon.



"But it's unfair if some people accuse me of negative things. Nanahimik ako, at ginawa ko lang yung trabahong inaasahan sa akin doon sa movie," pahayag ng aktor.



Masayang-masaya si Rafael sa pagkilala ng Manunuri sa kanya. Nagsisilbi itong inspirasyon sa kanya, to persevere more.



"Mabibigat ang mga nakalaban ko," ani Rafael. "Hindi basta-basta, that's why hindi talaga ako nag-expect that night. I think the critics in the group are the ones who can really answer questions, especially why the award went to me.



"Wala naman akong dapat ipag-react sa sinasabi ng iba dahil hindi ko mapi-please ang lahat. Mayroong magugustuhan ang ginagawa ko, mayroon ding hindi. I just put it that way," paliwanag niya.



Hindi ba niya naiisip na baka nga hindi siya deserving at isoli na lang niya ang award?



"Why should I? I don't have any problem. I don't think about those things," pakli ni Rafael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Iniisip ko na lang, may standards silang sinusunod, I just have to respect their choices. Kasi, award-giving body nila 'yan. Sila ang nagde-decide kung sino ang sa palagay nila ay deserving. Kahit siguro hindi ako ang naging choice nila, I still have to respect their decision. Ganoon lang talaga 'yan."



SULUTAN ISSUE. Dahil prestigious ang Urian, let's face it, umangat ng ilang level si Rafael at napag-iwanan niya ang iba. This prompted ABS-CBN executives to fight in favor of Rafael to be one of the leading men in the afternoon drama series Prinsesa ng Banyera, topbilled by Kristine Hermosa and Angelika dela Cruz.



May nagsasabing sinulot daw niya ang role na sana'y intended for Sid Lucero sa nabanggit na teleserye ng Dos.



"Oh, again, it's not my decision, and I don't know anything about that issue," paglilinaw ni Rafael. "I'm just an employee of ABS-CBN. Kung ano ang trabahong ibinibigay nila sa akin, tinatanggap ko at ginagawa ko through the best of my ability.



"Hindi ko gustong may natatapakan akong tao. But to be honest about it, ngayon ko lang narinig na may isyung ganyan. I was made sure that the part is really mine, and that's it. Kaya ko tinanggap.



"Kung ang final decision nila ay ako na nga ang para roon sa role, I just look at it that way, na ako nga ang choice nila, and it's really for me," nakangiting sabi ni Rafael.



KISSING SCENE WITH ANGELIKA. Bihira rin daw lumabas na daring at mature sa portrayal niya si Angelika at pumayag pa itong makipag-kissing scene kay Rafael sa Prinsesa ng Banyera.



"I am thankful, really," pahayag ng ngayo'y premyado nang aktor. "Kasi Angelika dela Cruz na 'yan, may pangalan na. She's there already, recognized as a good actress.



"Ang sa amin ni Angel, at sa iba pang nasa teleserye, pinagbubutihan talaga namin yung ginagawa namin, at yung para sa respective roles namin. 'Yon lang ang concern namin, yung trabaho. Kung anuman yung intriga sa kissing scenes, o sa pagiging daring namin, it's all part of work," pahayag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



IF YOU HAVE IT, FLAUNT IT.
Mayroon daw kasing hindi sumeseryoso kay Rafael as an actor. Hubad daw kasi ito nang hubad sa Bench pictorials and billboards. At saka, ang pagkakakilala sa kanya, hindi siya marunong mag-Tagalog.



"But, I can say without yabang naman, diretso na akong magsalita ng Tagalog. Sabi nga ng iba, mabilis daw akong matuto, kasi gusto ko talaga. Alam ko kasi na part 'yan ng pag-aartista, para maging credible sa role. I think I was able to pull off a lot of scenes in Rome & Juliet na kasama ako, at bumagay sa akin yung role, kaya siguro na-recognize din ako ng critics.



"And just the same, if I feel good about my body and I worked hard for it, why not flaunt it? I mean, wala namang masama doon. Gusto kong makita rin yung resulta ng disiplina at pinaghirapan ko.



"Kung kailangang ipakita ko ang katawan ko for a certain role, and to give justice to my character, gagawin at gagawin ko pa rin 'yon. I don't think there's [anything] wrong with what I'm doing," mariing pahayag ni Rafael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN