Young politician clears rumors linking him to Aiko Melendez

IMAGE 0


"Let's spare all my male friends, including Patrick, because he wasnever the reason of my separation. As I said, walang masamangmakipagkaibigan. I'm grateful and blessed to have so many friendsbecause they make me realize that after a breakup life can still bebeautiful," says actress-politician Aiko Melendez about rumors linking her to young politician Patrick Meneses.



Bulung-bulungan sa showbiz ang bagong lalaki diumano sa buhay ng actress-politician na si Aiko Melendez.

Nagsimula ang lahat nang lumabas si Aiko sa isang public event na may kasamang mga kaibigan. Sa lahat ng mga kasamahan ng aktres, isang lalaki ang nasulyapan ng taga-media. Ito ang batang pulitiko na kaeskuwela ni Aiko sa University of the Philippines na si Patrick Meneses.



Nagpaunlak ng panayam si Patrick sa The Buzz last Sunday, October 14. Isiniwalat niya ang tunay na kaugnayan niya kay Aiko at kung sino siya.



"Isa siyang negosyante, at the same time naglilingkod sa bayan ng Bulacan, Bulacan. I am turning 30, very much single," pagpapakilala ni Patrick sa sarili sa mga manonood.



Nilinaw ni Patrick na magkaibigan lang sila ni Aiko.



"Nag-start ‘yan, magkaklase kami nung June, this year sa UP. We got along just like any other classmates na nagbabatian. We talk also kasi marami rin kaming common friends," kuwento ni Patrick.



Hindi rin itinanggi ni Patrick sa The Buzz na siya ang nakitang kasama ni Aiko sa isang party na dinaluhan ng actress-politician.



"That night, oo, magkasama kami ni Aiko dun sa isang event na pinuntahan niya. Group naman kami doon, e. Inimbita rin naman ni Aiko," paglilinaw niya.



Naintindihan naman ni Patrick, na may malaking pagkakahawig sa mister ni Aiko na si Martin Jickain, kung bakit siya inili-link sa actress-politician.



Paliwanag niya, "Dahil madalas kaming magkasama. Kasama namin mga colleagues, mga kaklase namin sa UP. So, nagha-hangout kami."



Nagkita na rin daw sila ni Martin noon sa UP.



"Wala naman siyang ipinakita na anything negative or anything harsh sa mga kaklase namin or sa akin. Wala naman," sabi ni Patrick.

"Aiko is going [through] a case right now," patuloy niya. "Siyempre, ako at ang mga kaibigan namin, we want her to have that liberty, you know, to have fun. Gusto namin mag-anjoy siya. Kaya nandito kami, sinasamahan namin siya. Kaya mo ‘yan. Habang nabubuhay ang tao, may pag-asa. You're very lucky, you're very blessed."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AIKO'S STATEMENT. Isang statement naman ang ipinadala ni Aiko sa The Buzz tungkol sa isyu.

"Give me a break. I may be separated but I'm not desperate to look for someone to replace Martin. Let me enjoy life. I don't see [anything] wrong kung sakaling lumabas ako with my friends.

"Let's spare all my male friends, including Patrick, because he was never the reason of my separation. As I said, walang masamang makipagkaibigan. I'm grateful and blessed to have so many friends because they make me realize that after a breakup life can still be beautiful.

"Hindi ako nagmamadali because I have two beautiful children who need and deserve my affection. So, why rush?" pahayag ng konsehal ng Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN