Ethel Booba changes her mind anew, will enter "Pinoy Big Brother"

IMAGE 0


After backing out last week, Comedienne Ethel Booba decided to enter the Pinoy Big Brother house as one of the celebrity housemates. The PBB staff reportedly did not give up on Ethel until she cleared her head.



Isang reliable source na malapit kay Ethel Booba ang nagsabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagbago ulit ng isip ang comedienne. Papasok na siya sa second season ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition.



Ayon sa aming source ay tama naman ang nasulat na nag-back out si Ethel sa araw na dapat ay papasok na siya sa Bahay Ni Kuya. Bukod sa nabigla raw ito sa pagsundo sa kanya, may ilang personal na problema na hinaharap si Ethel noong araw na ‘yon.

Kuwento ng aming source ay nagkasabay ang pagkakaroon ng away ni Ethel sa kanyang boyfriend na si Janvier Daily at sa kanyang kapatid na si Boobita.

"Hindi kasi maatim ni Ethel na papasok siya sa Bahay Ni Kuya knowing na may mga problema siya na maiiwan," sabi ng aming source. "Gusto niya sana bago siya pumasok sa Bahay Ni Kuya ay maayos muna lahat ng mga problema niya para hindi siya nagwu-worry. Kapag nag-alala raw siya habang nasa loob siya, baka hindi niya makayanan at bigla siyang lumabas. Baka madagdagan pa ang mga problema niya, if ever."

Ayon pa sa source ng PEP ay hindi raw maganda ang naging huling pakikipag-usap ni Ethel sa kanyang boyfriend. Ayaw raw pumayag ni Janvier na pumasok sa Big Brother house ang comedienne dahil dalawang buwan silang magkakahiwalay kung magtagal doon si Ethel. Plus, may ibang mga lalake raw sa loob ng Bahay Ni Kuya. Feeling ni Janvier ay baka ma-attract si Ethel sa ibang male celebrity housemates.



"May pagkaseloso kasi si Janvier," sabi ng aming source. "Kaya nag-away sila ni Ethel the night before na dapat siya pumasok sa Bahay Ni Kuya. Masyadong dinamdam ‘yon ni Ethel kaya urong-sulong siya sa pagpasok.



"Yung tungkol naman kay Boobita, as usual, problema sa pamilya ang dahilan. Gusto kasing makausap ni Ethel si Boobita pero nasa isang out-of-town raket ito kaya walang paraan para sila magkausap. Gusto ni Ethel na maayos ang mga kapamilya niya bago niya ito iwan ng matagal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung paniniwalaan ang mga balita, tila naniniwala si Ethel na may relasyon si Boobita at ang kanyang ex-boyfriend na si Alex Crisano.



Hindi na raw umaasa si Ethel na papapasukin pa siya sa Bahay Ni Kuya dahil sa gulo na dinala niya. Tutal sa hindi niya pagpasok, wala pang masasabing commitment sa show, though ang mas napahiya raw ay ang mga taong nagma-manage ng career niya.



Pero good news nga for Ethel dahil hindi raw nag-give up ang PBB staff sa kanya. Tinanong pa rin nila kung okay na si Ethel to enter the Big Brother house. Napag-alaman kasi nila na naayos din ni Ethel ang nasabing mga problema niya.



Siniguro muna sa mga nagma-manage kay Ethel kung gusto na ba nitong pumasok sa Bahay Ni Kuya. Kung 'yes' ang sagot, commitment na ‘yon at wala nang pag-urong. Kung 'no' pa rin, hindi na siya pipilitin pa.



Sumagot daw ng "yes" si Ethel, which means fully committed na siya sa pagsali sa Bahay Ni Kuya. Ang tanong ay kung totoo na ba ang binitawan na salita na ito ni Ethel?

Sabi ng aming source, abangan na lang daw kung totoo ngang papasok si Ethel o hindi. Knowing Ethel ay baka mag-iba na naman ang isip nito at baka isipin naman niya this time ang mga raket na mawawala sa kanya kapag nasa loob na siya ng Bahay Ni Kuya.

Kung walang pagbabago, bukas na papasok sa Bahay ni Kuya si Ethel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN