Rafael Rosell shares opinion about gay issue among male stars

IMAGE 0


"Address the rumors directly, 'cause the public has the right to know.You can defend yourself naman, but at the end of the day, the truthwill come out," advises Rafael Rosell to actors who are rumored to be gay.



Nararamdaman ni Rafael Rosell ang malaking kaibahan ng pagwawagi ng Urian award dahil sa mga itinatanong ng press sa kanya lately. Every time daw na ini-interview siya, hindi na lang lang basta yung tungkol sa katawan at paghuhubad niya ang itinatanong sa kanya.



Pero hindi pa rin daw maiiwasan ang topic about sex, sabi pa ng aktor nang pasyalan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping niya ng Prinsesa ng Banyera. "Kaya lang, this time, they seem to be interested with the coming projects that I will be appearing in. Gusto siguro nilang mapanood ako in more challenging roles. Maybe they really wanted to find out that my winning the best supporting actor award in the Urian is not a fluke," nakangiting sabi ni Rafael.



Siyempre, ibig sabihin nito, may katuturan na rin daw ang existence niya sa showbiz. Palagay ni Rafael, hindi dumating sa kanya ang acting recognition na parang tsambahan lang.



"Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin, pero palagay ko, ang progress sa career ko lies on the fact that I experienced stage acting. Nag-theater ako noong time na medyo low ang career ko. Nag-pay off 'yon," paniniwala ni Rafael.

"I did plays for Tanghalang Ateneo. Hindi naman basta-basta 'yon, like yung Oedipus Rex which was in English. Yung challenge nun sa akin, yung emotions talaga while delivering the lines in the language which I was very comfortable with.



"Next na ginawa ko, yung Mistress of the Inn. Adaptation 'yon ng Mirandolina. It was in Tagalog, kaya doon naman ako natutong magsalita ng Tagalog talaga, yung malalalim na salita.



"Yung last na ginawa ko for Tanghalang Ateneo, Reviewing What Was Fame. In Taglish, with lots of singing and dancing. Kaya ko rin palang maging musical star!" natatawang sambit ni Rafael.



Ang importante raw kay Rafael ay naaalagaan niya yung balance niya as an individual. Nagkaroon siya ng chance noon to spend time with relatives sa Abu Dhabi, na nag-settle na doon from Norway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kaya okay lang sa akin na hindi nagtuluy-tuloy noon yung ups in my career. Lately, I can feel that things are getting better, lalo na sa opportunities na dumarating sa akin."

GAY ISSUE. Dahil nauuso ang mga isyu hinggil sa kabaklaan, hindi nakaligtas si Rafael dito. But unlike others, namatay ang rumors na ito about Rafael. Hindi ito masasabing lingering issue ng gaya sa lagi nang idinidikdik sa gaya nina Piolo Pascual at Sam Milby.



"Hindi yata lahat nakakaligtas!" at natawa na lang si Rafael. "When I did that movie with Jolina Magdangal [Kung Ikaw ay Isang Panaginip], may lumabas sa diyaryo. Ang sabi, 'Naku, Jolens, ingat ka rin diyan kay Rafael. May tsismis din 'yan ng gaya sa tsismis kay Piolo.'



"Na-shock ako noon. Kasi bago pa lang ako at may nabasa akong ganoon. Pero sabi sa amin sa Star Magic, yung ganyang mga bagay, hindi na namin dapat iniintindi. We shouldn't be affected by negative things, turn these things na lang into positive.



"Well, thanks na lang at hindi naman ako binibira sa ganoon. Kasi before, may girlfriend ako na medyo selosa. I am into a relationship now that's more freewheeling, and she's more understanding, kaya siguro hindi ako natsistsmis ng ganoon," sabi ni Rafael, na ang tinutukoy na karelasyon ngayon ay ang girlfriend niyang si Malaya Lewdinski, contract artist din ng Star Magic.



Dagdag pa niya, "Kasi for a long time, ang nakikita nilang lagi kong kasama ay babae. Well, I don't know. Pero may nabasa rin nga ako, mayroon daw akong gay benefactor."



So, ano ang reaction niya sa ganoon?



"I was brought up in a way na kung may gusto akong isang bagay, dapat na pinaghihirapan ko 'yon, pinagtatrabahuan. Hindi ganyan ang nabuo kong principles, that I can make patol sa bading just to get what I want.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Honestly, I'm not like that. I'm saying this not for anything else na parang nagmamalinis. Hindi ako nao-offend sa tsismis dahil strong ang beliefs ko regarding material things, which I'm not in favor of getting, na ang kapalit ay sexual favors," prangkahang sabi ni Rafael.



Ano naman ang masasabi niya sa lingering gay rumors about Sam and Piolo?



"Kung hindi naman totoo, wala ka ring magagawa if people make tsismis. Hindi mo sila mapipigilan, di ba?" sabi niya.



"Pero ang masasabi mo lang diyan, address the rumors directly, 'cause the public has the right to know. You can defend yourself naman, but at the end of the day, the truth will come out.



"Baka naman kasi marami ang nagagalit sa kanila dahil itsinitsismis sila, hindi kaya? If it's lingering and persistent, address the issues directly na rin because the people have to right to know," makahulugang sabi ni Rafael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN