Patrick Garcia wants to direct girlfriend Jennylyn and her ex-bf Mark Herras

IMAGE 0


Patrick Garcia dreams of directing a movie starring his girlfriend Jennylyn Mercado (inset, top) and her ex-boyfriend Mark Herras (inset, bottom). They have good chemistry on screen, says the future director.



Tuloy ang pag-aaral ng film and TV directing ng young actor na si Patrick Garcia sa New York next year.



Ito ang binanggit ni Patrick sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang matiyempuhan namin siya sa taping ng Bubble Gang noong Monday, October 15. Sumaglit siya sa taping para dalawin ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado, guest sa long-running gag show ng GMA-7.



Ayon kay Patrick, January next year ang alis niya at mga tatlong buwan siyang mawawala sa sirkulasyon habang nag-aaral sa New York. Alam ng manager niyang si Arnold Vegafria ang plano niya at siya na raw ang bahalang mag-inform sa GMA 7 tungkol dito. Wala pa namang bagong TV show sa Kapuso si Patrick pagkatapos ng Fantastic Man, kaya naisipan niyang mag-aral muna.



Bakit directing ang napili niyang course?

"Dahil artista ako, in line din naman ang directing sa trabaho ko. Saka mahilig akong gumamit ng video camera, I do small skits with my friends. Maganda rin na may alam akong ganito para kung hindi ako umaarte, I can do something else. May iba akong magagawa. Who knows, baka good storyteller pala ako?" sabi ng 26-year-old na aktor.



Dahil uso ngayon ang digital films and indie films, gusto rin daw subukan ni Patrick na lumabas sa mga ganitong klaseng pelikula. Pero so far ay wala pa naman daw siyang natatanggap na offer to do one.



JENNYLYN & MARK. Para sa kanyang unang directorial project, isang love story na tatampukan ng girlfriend niyang si Jennylyn ang gustong gawin ni Patrick.

"Gusto ko love story dahil ‘yan ang gusto ng mga tao. Gusto ko kasi pakiligin ang mga tao, kaya plano ko rin na si Mark [Herras, dating boyfriend ni Jennylyn] ang maging leading man ni Jen," sabi pa ng award-winning actor.



"I've seen some of the movies of Jen and Mark, and maganda ang chemistry nila. Nabanggit ko na kay Jen na gusto ko siyang idirek, pero hindi ko pa nasasabi sa kanya na si Mark ang gusto kong makapareha niya 'pag idinirek ko siya," wika pa ni Patrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero siyempre, tatanungin din muna niya kay Jennylyn kung gusto nitong makatrabaho si Mark, although magkapareha na ang dalawa sa La Vendetta, ang bagong series ng GMA-7.



Dahil love story ang gusto niyang idirek for Jennylyn and Mark, payag ba siya na magkaroon ng kissing scene ang dalawa?

"Okay lang. Ako naman ang magdidirek. Hindi naman siguro sila maiilang sa akin," sabi ni Patrick.



"By now, okay naman ang relasyon namin as friends ni Mark, so I don't think na kailangan pang haluan ng intriga. Wala naman talagang conflict sa amin ni Mark. Kumbaga, lumaki lang 'yon dahil sa intriga. Wala naman talagang issue. Hindi naman ako nang-aaway. Maganda na walang kaaway. Maganda kung lahat ay kaibigan mo."



Maganda rin ang working relationship nila ni Mark sa set ng Fantastic Man, kung saan kontrabida ang role niya ngayong papatapos na ang series.

"Okay, no problem at all. It's fun and we never talk about our personal matters. Pag trabaho, trabaho lang," wika pa ni Patrick, na ang last movie was Angels kung saan kapareha rin niya si Jen.



Kumusta naman ang pagtanggap sa kanya ng Jennylyn-Mark fans?



"Okay naman," sagot niya. "I know if they don't like me but I know naman that they don't hate me. Maybe they don't like me but they don't hate me at all. Ako naman, I don't interfere with their love team.

"The fact na girlfriend ko si Jen doesn't mean we have to be partners on TV. Pag personal ‘yon, I want it behind the camera. Kung nakikita nila na magiging love team kami, or magiging partners kami, no, ayoko. And it's not good for the relationship also," pahayag pa ng aktor.



OLD FASHIONED. How would he describe himself as a boyfriend?

"Old fashioned pa rin siguro. I still believe in flowers and chocolates. Gusto ko na pumupunta ako sa bahay," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang bonding nila ni Jennylyn?

"Simple lang naman kami. We watch a movie o kaya kumakain kami sa labas. We watched a movie two weeks ago. We watched Resident Evil," kuwento niya.

Kung old-fashioned si Patrick, e, di may anniversary sila. Anong month ang anniversary nila?

"Secret. Sa amin na lang po iyon. Basta po, one year and one month na kaming mag-on," pambibitin ni Patrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN