Pauleen Luna doesn't need boyfriend Mayor Gatchalian's money or power

IMAGE 0


"Four years old pa lang ako, may trust fund na para sa akin na inihandang parents ko. Doon pa lang, masasabing I can live well na rin naman,na hindi ko kailangang maghanap ng asawang mapera para buhayin ako," replies Pauleen Luna when probed about her relationship with Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.



Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen Luna sa first birthday celebration ni X Velasquez, ang anak ng aktres na si Bianca Lapus sa non-showbiz guy na Jimmy Velasquez. Ginanap ang party kagabi, October 18, sa Greenhills, San Juan.



Obviously, blooming si Pauleen. She looks taller because she lost weight. Biniro tuloy namin na baka nagbabalak-balak na itong magpakasal sa boyfriend niya na si Sherwin Gatchalian, mayor ng Valenzuela City, na apat na buwan na niyang karelasyon.



"Matagal pa ang kasalang 'yan. Mga anim na taon pa siguro bago kami magpakasal," pauna ni Pauleen.



POWER OF LOVE. Hindi maiaalis ang impression na she is into such a relationship because of power. Powerful nga naman ang isang mayor for a future husband. With power comes money, di ba? Pupuwedeng ma-offend si Pauleen sa tanong namin, pero sinagot pa rin niya ito nang maayos.



"Kung tutuusin naman, sinuportahan akong mabuti ng mga magulang ko at ayaw rin talaga nila na mag-showbiz ako. Ito kasi ang gusto ko, at hindi ko naman iniisip that I can make a living out of being an artista.



"Yeah, kumikita ako rito, pero hindi ko ito pinasok para lang matulungan ang family ko. Kasi kaya talaga nila akong buhayin Napipilitan lang ang parents ko sa pagsu-showbiz ko, pero dahil hilig ko, supportive na sila sa akin," paliwanag ni Pauleen.



Dagdag pa niya, "Pagdating sa pera, I don't need money from other people. At saka four years old pa lang ako, may trust fund na para sa akin na inihanda ng parents ko. Doon pa lang, masasabing I can live well na rin naman, na hindi ko kailangang maghanap ng asawang mapera para buhayin ako."

SLOW BUT SURE. Kung tutuusin, pupuwedeng bumongga agad ang showbiz career nitong si Pauleen. Bidahin ang porma niya, pero okey lang daw sa kanya kahit supporting roles na muna ang ibinibigay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"I want longevity when it comes to my career," sabi ng magandang young actress. "Kaya nga masaya ako sa Eat Bulaga. Kung exposure din lang, okay na sa akin. Araw-araw na akong napapanood sa TV.



"Kahit hindi ako yung big star na nakapagbibida, that's just fine. Darating din ang time ko. I'm still young. There's no need to rush," paniniwala niya.



PAST IS PAST. Dahil may boyfriend na si Pauleen at mukhang maligaya na siya rito, ayaw na niyang basta pag-usapan pa ang ex-boyfriend na si Marvin Agustin, at kung ano ang naganap sa kanila bago sila naghiwalay.



"Erase! Erase!" bulalas ni Pauleen. "Hindi kasi naging maganda ang paghihiwalay namin dahil sa parents namin. Obviously, ayaw sa kanya ng parents ko. Pero tanggap na namin na ganoon. Si Marvin, okay na siya sa buhay niya. Ganoon din ako. Enough na 'yon."

Pareho na nga silang malaya and Pauleen is now open for possibilities sa kanyang bagong boyfriend. Hindi kaya gaya rin si Sherwin ng ibang pulitiko na naghahanap ng trophy girlfriend para magamit na pampaingay para sa kampanya?



"Sa bagay na 'yan, trusted ko na siya," sabi ni Pauleen. "Kung tutuusin, puwede siyang magsalita sa interviews noon pa mang nagsimula siyang manligaw. February 'yon, before the May elections. Hihintay ko ngang lumabas hanggang pagkatapos ng eleksiyon, pero wala. Walang nakakatunog dahil napaka-discreet ni Sherwin, at ayaw niyang nagagamit ako sa kung anu-anong intriga.



"True enough, hanggang ngayon, mas tahimik ang lovelife ko. June lang nang malaman ng mga tao na may relationship na kami, kasi talaga namang boyfriend ko na siya at that time.



"Mas maayos ito, kaysa noong time na taga-showbiz ang karelasyon ko," patuloy ni Pauleen. "Sa amin ni Sherwin, hindi maiiwasan yung konting conflict kung minsan, pero hindi na lumalaki at naayos agad. Kung taga-showbiz si Sherwin, baka kung sinu-sino na ang nakikisawsaw sa mga chika, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Marami ang nagpapalagay na seryosohan na ang pakikipag-relasyon ni Pauleen kay Sherwin. "Pero, I'm only l8," giit ng young actress. "Marami pa akong gustong gawin. Mahirap namang ngayon pa lang, naiisip ko na ang pag-aasawa.



"At saka na 'yang sinasabing pagiging First Lady ng Valenzuela. Ang dami-daming nagtatanong sa akin niyan, kung ready na akong maging First Lady. Sa totoo lang, wala sa isip ko 'yan," sabi ni Pauleen.



Bukod sa partisipasyon niya sa Zaido ng GMA-7, pasok si Pauleen sa cast ng Shake, Rattle and Roll 9 na entry sa darating na Metro Manila Film Festival. Kasama siya sa episode na "Bangungot," kung saan kasama rin sina Dennis Trillo at Roxanne Guinoo, mula sa direksiyon ni Mike Tuviera.



"Hindi lang ako maarte sa work, kaya hindi ako nawawalan. Tinatanong naman ako palagi ni Inay Lolit [Solis] as my manager, kung okay rin lang at gagawin ko. Okay lang, tanggap agad!" at natawa na lang ang young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN