Marian Rivera shrugs off talks behind her back

IMAGE 0


"Basta tinatandaan ko na lang ang sabi ng Mommy at lola ko namasaktan ako kung ang maninira sa akin ay yung mga taong mahal ko. Perokung hindi ko naman mahal, huwag ko na lang daw isipin ‘yon," says Marian Rivera.



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Marimar sa Riverbanks, Marikina City, kahapon, October 18. Naabutan namin ang eksenang nagkakilala na sina Marian as Marimar/Bella at si Rodolfo Sta. Ginez, played by Marvin Agustin, sa isang masquerade ball na dinaluhan din ni Sergio (Dingdong Dantes). Ito rin ang unang pagkakataon na magkikita sina Marimar at Sergio pagkalipas ng limang taon.

Kapansin-pansin na iba na ang hitsura ng character ni Marian sa naturang high-rating drama series ng GMA-7. Wala na ang kulot ng kanyang buhok na nakasanayan nang panoorin ng mga masugid na televiewers ng Marimar.

"Wala na po, ganito na ang ayos ko para hindi ako makilala ni Sergio. Pero may hair extension pa rin ako na nasanay na ako at feeling ko talagang mahaba ang buhok ko," nakangiting sagot ni Marian.

INTRIGUES. Samantala, hiningi namin ang reaksyon ni Marian sa sinabi diumano ng aktor na si Wendell Ramos tungkol sa kanya. Ayon sa lumabas na balita, naringgan daw si Wendell na nagsalita ng "Akala mo naman, lahat ng lalaki may gusto sa kanya!" na ang tinutukoy ay si Marian.

"Nagtataka nga po ako nang may magsabi sa akin dahil hindi ko naman nabasa at hindi naman ako naniniwala," sabi ni Marian. "Nagkasama na po kami ni Wendell sa isang afternoon drama at kilala ko siyang tahimik at gentleman na parang hindi magsasalita ng ganoon.

"Pero may shooting po kami ni Wendell ngayong Saturday [October 20] ng Desperadas at tatanungin ko siya. Kung totoo pong sinabi ‘yon ni Wendell, hindi naman ganoon ang feeling ko sa sarili ko.

"Basta tinatandaan ko na lang ang sabi ng Mommy at lola ko na masaktan ako kung ang maninira sa akin ay yung mga taong mahal ko. Pero kung hindi ko naman mahal, huwag ko na lang daw isipin ‘yon."

Isa pang issue ang nilinaw namin kay Marian ay kung totoo bang nakikialam siya sa script ng Marimar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, hindi po!" mariin niyang tanggi. "Ano po ba ang alam ko sa script? Pero may bilin po sa akin si Direk Joyce Bernal, kahit po kay Dong [Dingdong], na kung may dialogue kami na may maiisip kaming mas maganda, gawin namin.

"Example po, ang nasa script, ‘Sergio, ang guwapo mo, mahal kita.' Puwede ko raw pong sabihin na lang na ‘Sergio, gusto kita.' Para raw po mas madaling sabihin, straight to the point. Hindi ko naman po gagawin ‘yon kung hindi sinabi ni Direk Joyce," paglilinaw ng young actress.

Ayaw na ring mag-comment ni Marian tungkol sa isang TV commercial shoot niya kung saan nakasama niya si Kristine Hermosa. Ang iniisip na lang daw niya ay ang management na napakabait sa kanya during the commercial shoot, na lagi raw siyang inaalaala at tinatanong kung ano ang kailangan niya.

Labis-labis din daw ang pasasalamat niya sa pamunuan ng GMA-7 na nagbigay sa kanya ng napakalaking break.

"Basta po ako, masaya sa pagmamahal sa akin ng management. Kapag may lumalabas na hindi magandang balita tungkol sa akin, sabi nila, ‘Alam namin kung sino ka. Kilala ka namin at hindi kami naniniwala sa mga hindi magandang nasusulat sa ‘yo,'" pahayag ni Marian.

"PRINCESS OF PRIMETIME." Ano ang reaksiyon niya sa sinasabi ng iba na siya na ang "Prinsesa ng Primetime" dahil sa malaking tagumpay ng Marimar?

"Ayoko pong ilagay ‘yan sa ulo ko," tila nahihiyang sabi ni Marian. "Ayoko ring sabihing kami ang number one. Kapag nasa taping po kami at sinabing mataas ang rating namin, palakpakan kami at nagpapasalamat. Nang makaabot sa 44.6 percent ang rating namin, biruan na blowout. Kahit po pizza lang, masaya na ang lahat at inspirado sa pagtatrabaho. Ang mahalaga po sa amin, masaya ang management dahil hindi namin sila binigo.

"Nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga tumatangkilik ng aming soap. Masaya nga po ako na kahit saan ako magpunta, 'Marimar,' at may ‘Bella' na ring, tumatawag sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Happy rin si Marian na dahil sa Marimar, maraming glossy magazines na ang gustong i-cover siya.

Nadagdagan na rin ang kanyang mga endorsements. After ng Maxi-Peel, next month ay dalawang bagong TV commercials niya ang ipalalabas. Ayaw pa lamang niyang sabihin kung ano ang mga ito, basta ang isa raw ay sa telecommunications.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN