Anne Curtis: "Sam is not gay."

IMAGE 0


"I spent some time with him, maaamoy ko naman yun, ‘no?" Anne Curtis defends screen partner Sam Milby against gay issue.



Tanghali ng Biyernes, October 19, sa TGIS Tomas Morato, Quezon City, nagbigay ng special presscon ang Viva Artist Agency (VAA) for their prime talent Anne Curtis, who is celebrating her tenth year in the business.



Nagsimula si Anne sa TGIS ng Viva/GMA-7, naipasok sa last season ng Anna Karenina hanggang ma-absorb sa mga GMA-7 primetime soaps, gaya ng Ikaw Na Sana at Ang Iibigin Ay Ikaw at iba pang shows and sitcoms tulad ng Text at Idol Ko Si Kap.

Inilipat ng Viva si Anne sa ABS-CBN starting with Hiram. Nagkaroon siya ng sariling soap, ang Kampanerang Kuba. Her third soap for ABS-CBN was Maging Sino Ka Man opposite Sam Milby.

Sa ngayon, bukod sa next solo soap niyang The Weddings with Zanjoe Marudo and Derek Ramsey, hinahanda na rin ang Book Two ng Maging Sino Ka Man, kung saan si Sam pa rin ang partner niya.

Dito naisingit tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Anne kung ano ang masasabi niya sa issue na kinakasangkutan ngayon nina Sam at Piolo Pascual.

"He's not gay," simpleng sagot ni Anne sa amin, na ang tinutukoy ay si Sam.

"I spent some time with him, maaamoy ko naman yun, ‘no?" sabay tawa niya. "In fact, naaasar ko nga siya sa issue, tawa lang siya."

Inamin naman ni Anne na hindi naging sila ni Sam.

"We hang out, but as friends. Who knows in the future, di ba?" sabi niya.

Naitanong na rin namin kay Anne kung ano ang nangyari sa kanila ni Sam during the Star Magic Ball kung saan ipinakitang nag-aaway sila sa gitna ng dance floor.

"Ah yun, nag-away talaga kami pero mababaw lang," pag-amin niya. "After five minutes, bati na ulit kami. Yun ang hindi ipinakita ng camera, ang ipinakita lang yung away namin!" tawa nang tawa si Anne sa pagpapaliwanag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

She reiterates na away-magkaibigan lang ito, hindi bilang may relasyon.

Hindi pa raw ready muli si Anne na umibig, lalo na't she has "walked with God."

"If ever magmamahal ulit ako, dapat mas mahal ng lalaki si God kaysa sa akin," sabi ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN