John "Sweet" Lapus still in demand in movies despite shortage of productions

IMAGE 0


"I feel so blessed pa rin sa career ko. Kita n'yonaman, kahit bihira na ang mag-produce ng pelikula, kinukuha pa rin ako,kaya kumikita ako," says John "Sweet" Lapus.



Isa si John "Sweet" Lapus sa natutuwa dahil kumita ang comedy film na Apat Dapat, Dapat Apat ng Viva Films at On-Q 28 ni Rufa Mae Quinto. Bukod sa kasama si Sweet sa pelikula ay kaibigan pa niya ang mga bida rito na sina Rufa Mae, Pokwang, Eugene Domingo, at Candy Pangilinan.



Sa panahon nga naman ngayon na bihira na ang mga local films na ipinalalabas sa mga sinehan, malaking bagay ang kumita ang anumang local film.



"Nakakaloka, di ba? Matagal bago tayo magkaroon ng mga local films, pero in fairness, kumikita naman halos lahat. Mahirap talaga makipagsabayan sa Hollywood movies. Kaya hindi ko masisisi ang mga film producers. Mahirap na ngang malugi dahil mahirap kitain ang pera," sabi ni Sweet sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Nagpapasalamat si Sweet na lahat ng ginawa niyang pelikula this year ay kumita. Bago ang Apat Dapat, Dapat Apat ay nakasama si Sweet sa Agent X-44 at Ang Cute ng Ina Mo, na parehong sinuwerte sa takilya.



Tinatapos ni Sweet ang dalawa pang pelikula: Pasukob with Rufa Mae and Ai-Ai delas Alas para sa OctoArts Films, at ang Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment na Shake, Rattle & Roll 9, kung saan nasa "Christmas Tree" episode siya with John Prats and Nash Aguas.



"I feel so blessed pa rin sa career ko," sabi ni Sweet. "Kita n'yo naman, kahit bihira na ang mag-produce ng pelikula, kinukuha pa rin ako kaya kumikita ako. Last year kasi, puro digital films ang ginawa ko; tatlo yata ‘yon at wala akong kinita doon. For the love of friends lang talaga ang kabayaran.



"Kaya this year, maganda ang dating pati sa TV. Maganda na ang mga nangyayari sa Showbiz Central kasi ilang beses na kaming nag-number one. Although hindi consistent, nandoon kasi yung challenge. Patuloy kaming nagpapakita ng mga magagandang istorya para sa mga loyal televiewers namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Isa nga sa pinakapabortiong segment sa Showbiz Central ay ang "Don't Lie To Me" ni Sweet.



"Every week, inaabangan kung sino ang uupo. Marami na ngang mga artista ang takot kasi baka raw ma-Lie sila. Okay lang kasi sasayawan ko naman sila kada Lie nila!" sabay tawa ni Sweet.



"Sa totoo lang, there's nothing to fear if you have nothing to hide. Tulad ng mga naupo na, like Ryan Agoncillo, Angelica Jones, Jay Manalo, and Rochelle Pangilinan, mga game silang sumagot. Katuwaan lang talaga ‘yon," pagtatapos ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN