Danita Paner no-show at Erik Santos's successful Big Dome concert

IMAGE 0


Where is the adopted daughter of Daisy Romualdez? Did Danita leave her mom's house for her boyfriend? Or did she choose to stay with her biological father?


A weekbefore the first solo concert of Erik Santos at the Araneta Coliseum, which was heldlast night, October 19, napabalitang nawawala at hindi umuuwi sa kanilang bahayang anak ni Daisy Romualdez na si Danita Paner.

Bukod sa mgaguests stars ni Erik sa kanyang solo concert na sina Sam Milby, Nyoy Volante,The Company, at Ai-Ai delas Alas—isa rin si Danita sa mga featured guest singersni Erik, since both of them are being managed by TV host Boy Abunda.

Iba't ibangbersiyon ng kuwento ang lumabas mula nang kumalat ang balita tungkol nga sa hindi pag-uwing bahay ni Danita. May nagsasabing sumama or nakipagtanan ito saboyfriend na member ng isang banda. May balita ring kesyo sumama naman siDanita sa kanyang biological father (Danica is an adopted daughter of veteran actress DaisyRomualdez).

Daysbefore the concert, may lumabas sa ilang tabloid na nagpasabi raw si Danita na daratingat darating pa rin siya sa concert ni Erik. Pero, tila nakahanda na naman angproduction ng concert ni Erik dahil naglabas din sila ng statement na withor without Danita, tuloy na tuloy pa rin ang first solo concert ng Star in aMillion winner ng ABS-CBN.

True enough,sa mga hindi nakakaalam ng isyu about Danita, masasabing halos hindi naramdamanang absence niya as one of the show's guests— maliban sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) na nag-abang kung magpe-perform ba si Danita, lalo pa'tnasa audience ang ina nitong si DaisyRomualdez, kasama ang matalik na kaibigan at veteran actress din, si Amalia Fuentes.

Pero nangtawagin ang mga guests na sina Sam Milby at Ai-Ai delas Alas, mas lumakas ang sapantahang PEP na no-show nga ang Danita sa tinanguang concert ng kapatid sa managementna si Erik.

On the otherhand, maituturing na isang very successful concert ang first attempt ni Erik namag- solo concert sa Big Dome. Napakaraming mga manonood, in spite of the bombing and tragedy at Glorietta 2 shopping mall in Makati earlier yesterday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya sa openingspiel ni Erik, nagpahayag siya ng paniniwalang hindi karahasan ang sagot sakahirapan ng bansa. Nagpasalamat rin siya na bagama't naganap ang di-magandang pangyayari, hindi pa rin napigilan ang mga taong suportahan siya.

Hindi nawala sa audience ang dating nobya ni Erik na si Rufa Mae Quinto. Biniro pa siya niErik, "Hindi ka naman masyadong nag-prepare." Dahil sa magarang suot akala mo'y papunta si Rufa Mae sa isang awardsnight .

Bukodkay Rufa Mae, ilan pa sa mga kaibigang celebrities ni Erik na dumalo sa kanyangconcert ay sina Christian Bautista, Sheryn Regis, Angelika dela Cruz, K Brosas,Direk Joyce Jimenez, at Piolo Pascual.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN