Andrew Wolfe on Cesar Montano's spar challenge: "Mismatch"

IMAGE 0


After his brawl with the Montano brothers last March, the press asked Andrew Wolfe if he would be willing to bring his fight with Cesar to the ring. The model-actor replied, "Oo, game ako, pero sana yung kalaban, alam nila na sport lang 'yon, nahindi dapat mapikon."


Tinanggihanng model-actor Andrew Wolfe ang hamon ni Cesar Montano na magbakbakan sila sa boxing ringsa Pinoy Mano-Mano, ang reality TV show ni Cesar sa ABS-CBN.

Sa interview ni Andrew sa radio program ninaMs. O (Ogie Diaz) at Ms. F (Fernan de Guzman) na Wow! Ang Showbiz! (dzXL), ang rason ng pangtanggi nito ay baka raw may mapikon siya uli kungsasali.

Dagdag pa niAndrew, mismatch sila ni Cesar dahil mas mataas raw siya kaysa rito, mas malaki angbuild at mas mabigat. At kung si Rommel nga raw, ang kapatid ni Cesar, nadi-hamak na mas malaki kaysa sa aktor ay natalo ni Andrew, malamang daw na mataloniya rin si Cesar.

"Hindi talagafair ang laban," palagay ni Andrew.

Pero kungtalaga raw gusto ni Cesar na magsagupaan sila, gagawin daw ‘yon ni Andrew forcharity. At ang mapapanalunan niya ay mapupunta sa Bantay Bata Foundation.

Paalala langni Andrew, "Basta walang pikunan. Walang hahabol sa akin 'pag nanalo ako atkukuyugin ako. Dapat, walang gano'n!"

Matatandaang sinugod ni Cesar si Andrew sa isang celebrity boxing match noon nangdiumano'y ‘dinaya' ng huli ang kapatid niyang si Rommel. Ang naturang kontrobersiya ang nagbunsod sa model-actor na lisanin muna ang showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN