Some of Jake Cuenca's suits are made by famous Gucci

IMAGE 0


Jake Cuenca does not need to work to afford the lifestyle he leads, says his manager Neil de Guia. The young actor's affluent family is based in Spain. His Spanish dad at first did not favor Jake's decision to join showbiz. But the son persevered to prove himself and now enjoys the opportunities given him by ABS-CBN.


Ilangblind items na rin ang lumabas tungkol sa isang young actor na diumano'y ginawan ngkumpletong suit ngisang sikat na fashion designer. At nakasaad pang tila"pagbibigay-ligaya" ang naging kapalitng kumpletong suit na yun ni young actor. Maybonus pa nga raw na thirty thousand pesos in cash ang fashion designer, bukod sa librengsuit.

Nagsimulaang blind item na ito sa mga tabloids at recently nga ay sa "Da Who" segment ng GMA-7 talk show na StarTalk. Ilan sa mga clues na nabanggit ay dati raw itong part ng Land of Enchanted bago nag-ober-da-bakod at ang pangalan nito ay may initials na J at C.

Bago paman umere ang naturang blind item sa StarTalk ay nakausap na ngPEP (Philippine EntertainmentPortal) si Jake Cuenca. Siya kasi ang pinakamalapit na sagot kung ang pagbabasehan ay ang mga clues na binanggit. Idagdag pa rito ang usap-usapan sa showbiz na siya nga raw ang tinutukoy sa kumalatna blind item.

Infairness to Jake, very cool lang ito at unaffected. Ang katwiran niya, "Ayoko na lang patulan or parang hindi na tamang mag-reactdahil unang-una, it's a blind item. Pangalawa, I am not affected at all dahilsobrang walang katotohanan."

May hamondin si Jake na kung totoo man na may sikat na fashion designer na nagke-claimna nangyariang naturang blind item, mas mabuti raw na lumantad ito.

Samantala, nakausap din ng PEPang manager ni Jake na si Neil de Guia after lumabas sa "Da Who" ang nasabing isyu.

Ayon kayNeil, nakakatawa lang daw dahil siyamismo ay kaya niyangpatunayan kung sinu-sino lang ang mga fashion designers na gumagawa ng suits ng kanyangalaga. Aniya pa,modesty aside, some of Jake's suits nga raw are made by Gucci.

Pero pinaka-nakakatawa raw ang isyu na binigyan si Jake ng thirty thousand pesos ngfashion designerdahil mismong si Jake ang nagsasabi na sa ginagawa niyang pagtatrabahong halos 24 hours, seven days a week, ay hindi primarily because of the reason na gusto niyang kumita ngpera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabubuhaypa rin daw si Jake ng maayos kahit hindi ito magtrabaho. In fact, nang pasukindaw ni Jake angpag-aartista via Click, number one against sa desisyon niyang yun ang kanyangfather na isangSpanish.

Say ngani Neil, "Si Jake, nang makilala at magsimula kong i-manage yan, gumagawa langsiya ng mgacommercial at the age of thirteen or mas bata pa. Around fifteen lang nang pumasok siya sa Click. Perohindi pa namin una ginamit ang real surname niyang Cuenca, but instead, Cuenco.Nang okey na angdaddy niya, that was the time lang na pinalitan na namin into Cuenca. Againstang daddy niya sapagso-showbiz ni Jake noong una dahil, at that time, sa isang international school pa raw nag-aaralang young actor.

Dugtongpa ni Neil, "Kakakilala ko pa lang kay Jake, BMW na ang kotse niya. Bigay ngdaddy niya...Kaya nakakatawa yung thirty thousand pesos dahil lalo na ngayon na mas maramipa siyang sasakyan dahil isa‘yan sa hilig niyang talaga."

Kaya rawnagpapakahirap sa pagta-trabaho si Jake, kahit halos wala na itong pahinga ororas sa sarili, ay dahilsa natutuwa raw ito sa mga opportunities na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN magmulanung lumipat siya rito. At higitsa lahat, ang mapatunayan sa mga magulang, especially sa daddy niya, na masaya attama ang desisyonniyang maging isang artista, kaysa sumama sa mga magulang at kapatid saSpain.

Lastly,naniniwala ang manager ni Jake na parte na raw talaga ng showbiz angintriga, isang bagay na darating at darating sa kahit sinong artista. Especially nga naman naang kanyang alagangayon ang maituturing na isa sa busiest young actors ng Kapamilya network. Si Jake ay napapanood sa Lastikman, That's My Doc, ASAP at ang bagong bubuksan na primetimeseries na Palos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN