Alfred Vargas's wanderlust still finds him easily homesick

IMAGE 0


"I really love to travel. Marami na akongnapuntahang lugar na hindi aakalain ng sinuman na mararating ko. Peroako kasi ang taong mahilig mag-explore. Kapag kinakati ang paa ko, walanang makakapigil sa akin," beams Alfred Vargas.



Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa live telecast ng SOP noong nakaraang Linggo, October 14, at sa dressing room ay nakahuntahan namin si Alfred Vargas, fresh from his vacation sa U.S.



Birthday ni Alfred this coming October 24, and he will be 26 years old. Wala na siyang planong magkaroon ng malaking birthday party dahil naglustay na raw siya ng pera sa huling biyahe niya sa Amerika.



"Nanood kasi kami ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas," ani Alfred. "Nakasama ko pa si Richard Gutierrez. From San Francisco, diretso ako ng Vegas, tumuloy ako ng New York at medyo nakapag-shopping ako doon, kaya medyo naubos na ang budget.



"Kasama ko sa biyahe ang brother at sister ko. Sa New York, nanood ako ng Les Miserables. Hindi ko pa kasi napapanood 'yon before. Ang mga napanood kong Broadway shows nang magpunta ako sa New York, yung The Producers at Phantom of the Opera.



"I really love New York!" bulalas ng sexy young actor. "Nakailang beses na rin akong nagpunta doon, at doon, talagang nakakapaglakad-lakad ako. Sa Vegas, malakas ang GMA Pinoy TV doon, kaya marami ang nakakakilala sa akin doon.



"May mga kamag-anakan ako sa New York, at doon na ako nakituloy sa kanila. Medyo nakakagaan sa biyahe yung ganoon," kuwento pa ni Alfred.



Dahil makati ang talampakan, hindi kaya naiisip ni Alfred na mag-migrate na lang sa ibang bansa?



"I really love to travel," sabi ni Alfred. "Marami na akong napuntahang lugar na hindi aakalain ng sinuman na mararating ko. Pero ako kasi ang taong mahilig mag-explore. Kapag kinakati ang paa ko, wala nang makakapigil sa akin. Pero madali akong ma-homesick. Kaya malabong basta mag-migrate ako at tumira na lang sa ibang bansa."



LOVE TEAM WITH RHIAN. Sa GMA studio nang hapong 'yon, matindi ang response ng publiko sa tambalan nina Alfred at Rhian Ramos. Tampok sila sa Sine Novela na My Only Love, ka-love triangle si Mark Herras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Grabe nga, kasi after our number, marami ang nag-text sa akin. Bagay raw kami ni Rhian," sabi niya.



"Actually, nagagandahan ako kay Rhian. At saka smart siya. Tipong brainy. Plus factor kasi sa akin 'yon. Pero ayoko nang mag-comment on the possibility na ligawan ko siya, kasi taken na ako, e.



"Alam mo naman, I am exclusively dating LJ [Reyes]. Mahirap na. Medyo tahimik nga kami ni LJ at smooth ang lahat sa amin, baka magkaroon ng ingay ngayong I am being paired with Rhian in a new teleserye for GMA-7," nangingiting pahayag ni Alfred.



Medyo may pagka-offbeat ang role ni Alfred sa My Only Love. Pa-macho stud ang effect, but he will provide the drama factor. May pagka-light kasi ang naturang Sine Novela, at bumibigat ang conflict kapag involved si Alfred.



"Matutuwa ang fans ko dito," nangingiting sabi ng aktor. "Kasi magiging boy toy pa ako ni Sherilyn Reyes sa story, but at the same time, mai-in love ako kay Rhian. May ganoong conflict.



"Many thought na magpapa-tweetums ako sa teleserye, pero yung role ko rito ang idinagdag sa original story ng movie. Sa movie version, sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta lang. Sa TV version ngayon, nariyan sina Rhian at Mark, papasok ako sa gitna," pahayag ng binata.



MMFF MOVIE. Pinag-uusapan naman na baka makopo ni Alfred ang Best Actor Award sa darating na Metro Manila Film Festival dahil sa mabigat na role niya sa Banal bilang SWAT member na gagawin ang lahat para lang ma-promote ang ranggo.



"Hindi ko iniisip 'yan, kasi sa movie na nga lang, nariyan sina Christopher de Leon at Paolo Contis na mahuhusay talaga. Na-challenge ako nang husto sa kanila. Paano pa yung sa ibang entries?



"Ginawa ko na lang ang lahat ng makakayanan ko. At saka nasa second set kami ng festival. Mag-uumpisa kaming ipalabas January 1 na," sabi ni Alfred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN