Ruffa Gutierrez on relationship with Yilmaz: "There's nothing, no development."

IMAGE 0


"I'll be a hypocrite if I will say that I'm happy, e, hindi namannag-work ang marriage ko. Pero hindi dahilan 'yon parabalewalain ko ang magagandang bagay na nangyayari rin sa buhay ko," says Ruffa Gutierrez.


Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng fantaserye ng ABS-CBN na Kokey. Nakausap namin ang isa sa lead stars dito na si Ruffa Gutierrez at agad naming kinumusta sa kanya ang asawang si Yilmaz Bektas. Pero ayon sa aktres, wala raw siyang masasabi dahil ang relasyon nila ng Turkish husband ay may pagka-kumplikado.



"There's no ending yet, that's why I can't say that there's a new beginning. There's nothing, no development," sabi ni Ruffa.



Hindi naman daw totally nawala na lang si Yilmaz sa buhay niya dahil ito pa rin ang ama ng kanyang mga anak.



"We still talk, but not as often as before. We have to talk about the kids, yun na lang. Of course, ang masaya sa nangyayaring 'yan ay ang Mommy ko [Annabelle Rama]. 'Yan naman ang gusto niya, and that's what happened.



"Pero ang talagang wish ko kasi, intact ang family. You all knew naman that I grew up na buo ang pamilya namin, kaya ganoon din ang gusto ko sana.



"Minsan nade-depress ako but there are times na masaya. Depende na lang sa nararamdaman ko, pero I can't say na totally happy ako," paliwanag ni Ruffa.



STILL BLESSED. Tama na raw muna kay Ruffa na nagtatrabaho siya. Sa kontratang pinirmahan niya sa ABS-CBN, mayroon siyang dalawang regular shows ngayon—The Buzz at Kokey.



"I feel so blessed. Mayroon pa akong bagong endorsement, which is a skin whitening soap. Mayroon pang isa, na known and reputable beauty product. That means additional income and exposure," nangingiting pahayag ni Ruffa.



Sa kabila ng mga pangyayari, hindi siya totally happy. Pero tama na sa kanya yung maramdaman niyang blessed siya.



"I'll be a hypocrite if I will say that I'm happy, e, hindi naman nag-work ang marriage ko," pag-amin niya. "Pero hindi dahilan 'yon para balewalain ko ang magagandang bagay na nangyayari rin sa buhay ko. God is good to people with good hearts. Alam Niyang ang hangad ko lang, is to really take good care of my kids."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Guaranteed ang contract na pinirmahan ni Ruffa sa ABS-CBN, na ang ibig sabihin, tiyak ang lahat ng proyektong nakasaad sa kontrata for a year.



"Nasusunod yung dalawa, but I still have to do a dramatic teleserye. I just heard that they're planning to give me Gumising Ka, Maruja as part of the Susan Roces Collections. Pero next year na siguro 'yan. Wala pang sinasabi talaga sa akin.



"'Yung isang light romance, hindi pa rin sigurado. Basta, apat na projects 'yan, good for a year," banggit niya.



Pero hangga't hindi pa niya hinaharap ang pagma-materialize sa mga plano, magiging abala na muna siya sa mga ibinibigay na assignments sa kanya.



"Kailangan ko rin namang mamili, at hindi yata puwedeng kung ano na lang ang ibigay nila, okay na," sabi ni Ruffa.



Very kid-friendly ang Kokey kaya enjoy si Ruffa rito, much to the delight of her two kids, Lorin and Venice.



"Tuwang-tuwa sila, pero sometimes ang hindi nila gusto, yung uuwi ako ng bahay na purple ang kulay ng face ko dahil sa make-up. They ask me, 'What did Kakay do to you?'" tili ni Ruffa.



Si Kakay kasi ang nanay ni Kokey sa nabanggit na fantaserye ng Dos.



"Well, enjoy pa rin ako sa role ko kahit makati yung make-up na nilalagay sa face ko. Uncomfortable din ang costume. I don't mind being an alien for the series. I just have to feel it's Halloween every time!" at natawa na lang si Ruffa.



KAPAMILYA & KAPUSO. Since kuntento naman siya sa Dos, hindi kaya maisipan ng kapatid niyang si Richard Gutierrez na samahan na siya bilang Kapamilya, dahil ang dati nitong kapareha na si Angel Locsin ay nasa ABS-CBN na rin?



"Naku, malabong mangyari 'yan!" mabilis na tugon ni Ruffa. "Bonggang-bongga ang career niya sa GMA-7! Hindi naman siya laos para gawin niya 'yon. Ang mga lumilipat lang ay yung mga laos na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nakakontrata si Richard sa GMA-7 at alagang-alaga siya roon. Ang point lang diyan, walang dahilan para layasan niya ang Siete. Tama na yung ako na lang ang Kapamilya, at sila ni Raymond, mga Kapuso!" bulalas ng aktres bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN