Mark Herras-Jennylyn Mercado loveteam reunites in "La Vendetta"

IMAGE 0


After I Luv NY, the loveteam of Mark Herras and Jennylyn Mercado will soon be back on primetime television via La Vandetta.



Matatawag na official reunion nina Mark Herras at Jennylyn Mercado ang bagong teleserye ng GMA-7 na La Vendetta. Marami na raw silang nakunang eksena sa location shoot ng naturang soap opera sa San Fernando, Pampanga.



Ang huling regular show nina Mark at Jennylyn ay ang I Luv NY at muli silang nag-reunite sa isang episode ng Magpakailanman. Pero aminado si Mark na may kaba pa rin sa kanyang dibdib dahil muli silang magkakatrabaho ni Jennylyn sa isang proyekto. Sa tagal din daw kasi ay parang hindi na niya alam kung paano aarte sa tabi ng kanyang ex-girlfriend.



"Lahat naman yata ganun ang mararamdan, e. Pero pakiramdam ko naman na nandoon pa rin ang chemistry namin. Matagal kasi ang space ng hindi namin pagtatrabaho together sa TV. Pero babalik din naman 'yon paunti-unti," sabi ni Mark sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Maging si Jennylyn na bagama't excited din ay kinakabahan sa muling pagsasama nila ni Mark.



"Natural lang yung kabahan din ako kasi as compared to Mark, matagal akong nawalan ng trabaho. Pero nagpapasalamat ako kay Mark because naging patient pa rin siya sa akin noong magsama kami sa Magpakailanman. Supportive pa rin siya talaga. Dito sa La Vendetta, marami kaming mga eksena na mas mabibigat kaya all the more na kailangan naming mag-work together ni Mark para maganda lumabas," lahad ng young actress.

Ayon pa kay Jennylyn, hindi na raw nagseselos ang kanyang boyfriend na si Patrick Garcia sa pakikipagtrabaho niya kay Mark.



"Naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko. Trabaho ito at kailangang gawin. It's nothing personal naman, e," sabi ni Jennylyn.

"At first talagang nagkaproblema with Patrick but later on, he understood. Naisip niya na it's all work. Nagiging professional lang kami ni Mark."



As for Mark, wala naman daw selos na nararamdaman ang nababalitang girlfriend niyang si Lian Paz ng EB Babes sa muling pagsasama nila ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Alam ni Lian na may mga ganitong mangyayari sa showbiz at okay lang sa kanya. Alam niyang may following ang loveteam namin ni Jen kaya all-out din ang support niya sa amin," ani Mark.



Bukod sa La Vendetta, magkakasama ulit sina Mark at Jennylyn sa action-drama series ng GMA-7 na Joaquin Burdado na pagbibidahan ni Robin Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN