Gladys Guevarra receives new Hummer from Fil-Am boyfriend

IMAGE 0


Comedienne-singer Gladys Guevarra seems to be enjoying her stay in the United States with boyfriend Philip Peredo. Gladys has been staying in the U.S. for three months now and has no plans yet of returning to the Philippines to resume her showbiz career.



Sa pakikipagkuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa entertainment columnist na si Joe Barrameda, napag-alaman naming isang bagong red Hummer ang iniregalo sa comedienne na si Gladys Guevarra ng kanyang boyfriend na si Philip Peredo. Nnag bumisita kasi si Joe sa Amerika ay nagkita sila roon ng comedienne.

Stable at maykaya raw ang boyfriend ni Gladys na isang Filipino-American businessman sa Amerika, kaya hindi na nakapagtataka kung kaya nitong regaluhan ng mamahaling sasakyan ang comedienne.

Ayon kay Joe, hinihintay na lang ni Gladys ang processing ng lisensiya niya para makapagmaneho na siya sa U.S. Kaya for the meantime, madalas ay nagsa-subway sila from Jersey City, kung saan sila nakatira, to Manhattan kung saan naman located ang opisina ng business ni Phillip.

Gym work-outs, shopping, at pamamasyal daw ang pinagkaabalahan ni Gladys sa Amerika. Kaya habang nasa opisina at nagtatrabaho ang kanyang kasintahan ay madalas namang rumarampa ang comedienne na pasumandaling iniwan muna ang kanyang showbiz career.

Hindi pa alam ni Joe kung kailan uuwi ng Pilipinas si Gladys para muling harapin ang kanyang showbiz career. Pero malamang ay sa Amerika raw magse-celebrate ng Pasko ang kanyang alaga, kasama ang pamilya ni Phillip, na balita namin ay tanggap na tanggap si Gladys.

Three months na si Gladys sa Amerika at ayon kay Joe ay hindi totoong buntis siya, gaya ng napapabalita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN