Sam Milby: "I am a Filipino. I have dual citizenship."

IMAGE 0


"I'm not angry with her. But what she did to me was wrong. We have to stand on what is true and righteous," says Sam Milby about Lolit Solis.



Lumipad na patungong Canada kaninang 6:30 a.m. via Northwest Airlines si Sam Milby, kasama sina Pokwang at Piolo Pascual para sa kanilang series of shows doon. Kasama rin ni Sam ang kanyang manager na si Erick Raymundo, at mawawala sila for two weeks. Babalik sila ng Pilipinas sa November 7.

Bago umalis si Sam ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap siya sa ABS-CBN compound kahapon, October 22. Dala-dala niya ang ilang musical instruments na dadalhin niya raw sa Canada. From ABS-CBN, dadaan daw muna siya sa ipinapatayo niyang bagong bahay sa Pasig.

Pagkatapos ng interview kay Sam sa The Buzz last Sunday, October 21, kaugnay ng pag-demand niya ng retraction at public apology mula kay Lolit Solis, kinabukasan ay agad ding lumabas ang mga kasagutan ni Lolit sa kanyang mga column. Isa sa mga isinulat ni Manay Lolit ang pagiging American citizen ni Sam.



Nang hingan ng reaksiyon si Sam tungkol sa kanyang citizenship, mariing sinabi ng matinee idol, "I am a Filipino. I have a dual citizenship."



Nilinaw ni Sam na hindi siya galit kay Manay Lolit. "I'm not angry with her. But what she did to me was wrong. We have to stand on what is true and righteous," sabi niya.



Pursigido si Sam na ituloy ang pagdemanda niya kay Lolit kapag hindi raw ito nag-retract o humingi ng apology sa kanya. Nakahanda raw maghintay si Sam sa apology ng columnist-talent manager.



Kahit mawawala ang actor-singer sa bansa ng dalawang linggo, puwede pa rin daw humingi ng apology o retraction sa kanya si Lolit dahil makakarating naman daw sa kanya ang balita through TFC. Or else, he will pursue his case.



Habang wala si Sam ay patuloy naman daw ang pagmu-monitor ng mga abugado niya sa iba pang makikisawsaw sa isyu at magsusulat ng hindi maganda sa controversial actor. Masusing pag-aaralan ng mga abugado ni Sam ang lahat ng mga naninira sa kanya at sasampahan daw ng kaukulang kaso kung kinakailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



This time, sabi ng kampo ni Sam, hindi na ang manager nitong si Erick at ang management firm nitong ABS-CBN Star Magic ang magmo-monitor ng write-ups tungkol kay Sam. Ang mismong mga abugado nito na raw ang kikilos. Hindi rin daw magdedemanda ang Star Magic, pero open sila sa pagbibigay ng suporta kay Sam.



Posible raw na hindi lang si Lolit ang sampahan ng kaso ng kampo ni Sam kung sakali, kundi pati na ang ibang magsusulat ng malisyosong bagay tungkol sa aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN