Marvin Agustin focuses energy on career and on his twins

IMAGE 0


Actor Marvin Agustin may be unlucky in love, but he sure is lucky with his showbiz career and with his twins, Santiago and Sebastian.



Dahil kasama na si Marvin Agustin sa top-rating drama series ng GMA-7 na Marimar, nabibiro ngayon ang aktor na baka ligawan din niya ang bida ritong si Marian Rivera, gaya ng panunuyong ginawa niya kay Angel Locsin nang magkasama sila sa Asian Treasures.



Sa pagbisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Marimar, natawa muna si Marvin bago nagbigay ng reaksiyon sa biro tungkol sa kanila ni Marian.



"Wala po, mahirap kapag pinasukan ng love ang trabaho, nakasisira ito," nakangiting sabi ni Marvin. "Tulad po namin ni Angel na hindi namin naitago, hindi po nag-materialize. Wala na kaming communication ni Angel, hayaan ko na lang siya. Alam ko masaya siya sa ginagawa niya ngayon.



"Sa ngayon, mas focus ako sa career ko at sa pag-aalaga sa aking kambal. Makukulit at madaldal na sina Sebastian at Santiago kaya nakakatuwa na. Nakalipat na rin kami sa bago kong bahay sa White Plains at happy ako na nakikita ko silang masaya sa bahay dahil mas malaki na ang laruan nila. Doon na rin sila magki-Christmas, bale ‘yon ang first Christmas nila na alam na nila dahil malalaki na sila," kuwento ni Marvin.

May naisip na ba siyang regalo sa kanyang kambal ngayong Christmas?



"Mahilig sila sa books at maglaro ng cars. Bibigyan ko sila ng gusto nilang paglaruan, pero cash na lang siguro ang Christmas gifts ko sa kanila. Iipunin ko sa bangko para laan na sa studies nila paglaki," pahayag ng binatang ama.



Maliliit pa ang kambal ni Marvin, pero kung sakali ba ay papayagan niyang mag-artista o maging TV commercial models ang mga anak niya?



"Oo naman!" sagot niya. "Papayagan ko silang mag-artista o kung may kumuha sa kanilang commercial models. Pero siyempre, dapat unahin nila yung studies nila. Next year, mag-aaral na sila."



Isa pa ring pinagkakaabalahan ni Marvin ay ang kanyang restaurant business. Sa October 26 nga raw ay magbubukas na ang kanyang fifth restaurant, ang Jonnandjoko, sa Greenbelt 5, Makati City. American and Japanese food naman ang ihahain nila doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kapag wala siyang trabaho, umiikot daw siya sa mga restaurants niya at tsini-check ang food and services. Kapag may time pa siya, siya raw ang personal na nagluluto ng ino-order na pagkain.



Kinumusta rin namin kay Marvin ang shooting nila ni Richard Gutierrez ng Dagaw para sa GMA Films.



"Nag-stop ang shooting namin dahil inabutan kami ng mga bagyo, pero naka-one shooting day din ako. Exciting po ‘yon dahil horror-suspense movie ito at first time ko pang magiging direktor si Chito Roño. First time ko ring makakasama si Richard at yung mga katambal namin sa movie ng GMA Films. Magre-resume daw kami ng shooting by November or December. Tatapusin daw muna ni Direk Chito yung movie niya with Ate Sharon [Cuneta] sa Star Cinema," pagtatapos ni Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN