Angel Locsin introduces Luis Manzano to Ali Sotto

IMAGE 0


Angel Locsin (left) introduced Luis Manzano (right) to Ali Sotto, the mother of the young actress's ex-boyfriend Miko Sotto, who died in a freak accident.



Pagkatapos aminin ni Angel Locsin sa nakaraang grand presscon niya sa ABS-CBN last October 19 na personal na niyang ipinakilala si Luis Manzano kay Ali Sotto, ina ng namayapang boyfriend ni Angel na si Miko Sotto, nabuo na sa isipan ng lahat na mukhang nauwi na sa espesyal na relasyon ang balitang panliligaw kay Angel ni Luis.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Luis last Sunday, October 21, sa ASAP '07 ay inamin ng binata na personal na niyang nakilala si Ali, sa kabila ng pangako ng binata noon na hindi na magsasalita pagdating kay Angel dahil na rin sa paratang sa kanya na ginagamit lang niya ang young actress.



"Not for anything, pero alam ko na nagsabi na ako na hindi na ako magsasalita about Angel. Yung aspect na ‘yan medyo personal ‘cause it brings someone else involved. Isa pang ibinabalik yung past niya, si Miko. But yes, ipinakilala na niya [Angel] ako kay Tita Ali.



"It happened nung lumabas yung issue, nabasa ko na ‘yan, a week back, two weeks back. Basta magkasama kami nun [ni Angel], sinabi niya na gusto niyang makilala ko si Tita Ali, parang ganun," kuwento ni Luis.

Sa aksiyon na ito ni Angel, inisip ng iba that there's something going between the two. Hindi naman ito itinanggi ni Luis at inaming ngayon ay masasabi niyang nagkakasundo na sila ng young actress.



"Siguro kasi nagkakasundo na kami and she wants me to meet the people special to her, aside from her family talaga. We're perfectly happy and content, but work muna siya, mag-Lobo muna siya. I also have other things to focus on, especially siya na iba yung big leap niya," paliwanag ni Luis, na ang tinutukoy na Lobo ay ang kauna-unahang serye ni Angel sa ABS-CBN, kasama si Piolo Pascual.

Nang tanungin namin kung may balak din ba siyang pormal na ipakilala si Angel sa inang si Gov. Vilma Santos, sinabi ni Luis na nakaplano na niya itong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Definitely pag may oras, one of these days. Alam ko na gusto siya ng Mommy ko dahil nagkasama na sila sa Mano Po. Before I came in the picture, kahit papaano nakilala na ni Mommy si Angel off-cam.



"She's excited but just like I always say, she never meddles when it comes to my relationship," diin ni Luis.



Bukod kay Luis ang iba pang mga lalake na na-link noon o iniuugnay hanggang ngayon kay Angel ay sina Cogie Domingo, Marvin Agustin, at Atty. Michael Templo. Nang hingan namin ng reaksyon si Luis ay wala raw siyang alam tungkol sa mga nali-link sa dalaga.



"I have no idea and hindi ko papakialaman ang mga na-link sa kanya," sabi ni Luis.

Best friend and soulmate na itinuturing ni Luis si Anne Curtis. Sa nakaraang mga interview kay Anne ay nagbigay siya ng approval para kina Luis at Angel, isang bagay na ipinagpapasalamat naman ng young TV host-actor sa malapit na kaibigan.



"Salamat, thank you!" bulalas niya. "Alam ko naman ang stand ni Nippy [palayaw ni Anne] pagdating diyan. I am very, very secured and kampante ako na 'pag may nanakit sa akin, bubugbugin niya kahit babae o lalake. Ganun niya ako kamahal. 'Pag may nanakit naman sa kanya, katakut-takot na sakit ang aabutin sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN