Marian Rivera's co-star allegedly spreading malicious rumors about her

IMAGE 0


A source close to young actress Marian Rivera told PEP (Philippine Entertainment Portal) that one of her co-stars is allegedly spreading malicious rumors about the star of Marimar.



May kumakalat na balita na may mapanirang co-star daw si Marian Rivera sa isa sa pelikulang ginagawa niya.

While this is not a blind item per se, minabuti naming huwag pangalanan ang co-star ni Marian sa naturang pelikula na patuloy siyang sinisiraan patalikod at ang aming source sa kuwentong ito.

Isa lang kasi ang punto ng aming source kung bakit niya ito ikinuwento sa amin: gusto niyang iparating sa naturang co-star na alam ng kampo ni Marian na siya ang nagpapakalat ng mga masasamang balita against the lead star of GMA-7's Marimar.

Matutukoy diretso na ang co-star ni Marian ang source sa dalawa sa lumalabas na tsismis against her: ang paglaki raw ng ulo ni Marian due to the success of Marimar at ang paghahabol daw ng young actress sa isang lalaking celebrity, na kapag binanggit din namin ang pangalan ay magiging giveaway na ang lahat.

Ang ipinagtataka lang ng source namin, bakit daw sa shooting ng pelikulang pinagsasamahan nila ay nagpapaka-superclose si co-star kay Marian; pero kapag talikuran na, saka ito tumitira.

Sadya raw napakalaki ng insecurity ng co-star ni Marian sa pelikula. What is funny, dagdag ng aming source, ang dahilan naman daw ng paninira ng co-star ni Marian ay isang lalaki rin: the same male celebrity na sinasabing hinahabul-habol nga raw ni Marian.

Alam na rin daw ito ni Marian pero ayaw niyang patulan ang co-star at isa lang ang statement niya for the co-star: "Ipagdarasal ko na lang siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN