Lotlot de Leon wishes nothing but happiness for mom Nora Aunor

IMAGE 0


Despite the lack of time for each other, Lotlot de Leon said that her relationship with her siblings is all well and good. "Okay naman, although I don't see them that often kasi si Ian busy din sa Zaido at si Matet naman busy sa pamilya niya. Si Ian and si Kenneth, lagi silang magkasama. I guess they're all okay kasi kung hindi naman, malalaman ko 'yon for sure. Tatawag at tatawag sila sa akin," shared the actress.


Personal na nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Lotlot de Leon kagabi, October 23, sa presscon ng bagong primetime soap opera ng GMA-7, ang La Vendetta, sa Ilustrado restaurant sa Intramuros, Manila.

Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at agad naming hiningi ang kanyang reaksiyon sa pagkaka-dismiss ng kasong drug possession na isinampa ng isang Los Angeles court laban sa kanyang ina na si Nora Aunor.

"I'm glad siyempre na tapos na ‘yon," nakangiting bungad ni Lotlot. "Closed book na ‘yon and 'yon naman 'yong ipinagdadasal namin talaga."

Ikinuwento ni Lotlot na nalaman niya ang magandang balita sa pamamagitan ng talent manager niya na si Cornelia "Angge" Lee.

"Good!" bulalas ni Lotlot nang aming tanungin kung ano ang nasabi niya sa sarili nang marinig ang balita tungkol sa pagkaka-dismiss ng kaso ng ina.

"At least, nakahinga na kami nang maluwag, lalo na mommy ko. Hindi na 'yong maraming iniisip at kahit papaano nabawasan," dagdag nito.

Ayaw na ring patulan ni Lotlot ang dati pang maugong na balitang diumano'y same-sex marriage ni Nora at ng longtime manager nitong si Norie Sayo sa Las Vegas, Nevada noong May 22, 2000.

Matatandaang naging very vocal si Lotlot sa pagsasabing hindi niya nagustuhan ang kumalat na balita, at lantaran din itong nagpahayag ng tampo kay Nora sa hindi paglilinaw ng issue sa kanilang magkakapatid.

"Basta ang importante sa akin maging okay siya, maging masaya siya, at maging at peace siya," maikling pahayag ni Lotlot.

Wala naman daw galit si Lotlot sa kanyang ina bagama't gusto muna niyang bigyan ng tamang panahon ang sarili bago harapin ito. Matagal na rin daw kasi mula nang huling nagkausap ang mag-ina.

"March 'yon, birthday ko...pero matagal na talaga," sambit niya.

Willing ba siyang tumulak patungang Amerika para bisitahin ang naabsuweltong ina?

"Not at the moment," tugon nito. "Marami pa akong kailangang asikasuhin dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN