Jean Garcia felt nervous about her kissing scene with Polo Ravales

IMAGE 0


"Naku, hindi ko nga masyadong naramdaman kasi kinabahan ako! Hindi naman siya torrid, pero medyo matagal lang. E, kasi hindi naman na talaga ako gumagawa ng mga kissing scenes na ganyan!" laughs Jean Garcia about her kissing scene with younger co-star Polo Ravales.



Mapapanood na naman si Jean Garcia bilang bida-kontrabida sa pinakabagong serye ng GMA-7 na La Vendetta, na mapapanood simula October 29. Fresh from her contravida role in Impostora, may kaibahan ba ang pagiging kontrabida niya ngayon sa La Vandetta?

"Ang kaibahan nitong La Vendetta sa Impostora...sa huli kasi, she's bad, pero may nakakatawa. Dito kasi [sa La Vendetta], medyo serious talaga. Manipulative. May revenge siya pagdating sa mga kapatid niya because of her father," paliwanag ni Jean tungkol sa kanyang character sa presscon ng La Vendetta kagabi, October 23, sa Ilustrado restaurant, Intramuros, Manila.

Hindi rin ikinakaila ni Jean na hanggang ngayon, tila mas identified pa rin siya ng mga tao bilang si Madam Claudia, ang role na pinasikat niya sa ABS-CBN drama series na Pangako sa ‘Yo.

Sabi ni Jean, "Actually, yun ang palaging tinatanong sa akin. Tinatanong din nila kung hindi raw ba ako nagsasawa sa pagiging kontrabida ko. Pero ako kasi, iniiba-iba ko naman ang atake.

"I always ask my director sa bawat soap na ginagawa ko. Tinatanong ko sila at sinasabi ko na siyempre, bilang direktor, kayo ang masusunod. Pero after two weeks, kapag kabisado at alam na alam ko na ang character ko, nagsa-suggest din ako at nag-i-input para maiba naman. Actually, madali naman kasi iba-iba naman ang istorya, tulad nga rito sa La Vendetta na may pagka-drama-suspense naman," paliwanag ng award-winning actress.

KISSING SCENE WITH POLO.Sa ipinakitang trailer ng La Vendetta sa presscon, kasama rito ang isang kissing scene nina Jean at Polo Ravales. We asked Jean, how is it doing a kissing scene with a younger actor like Polo?

"Hay, my gosh! Come on! Naloloka ako! Kinabahan ako!" natatawa niyang reaksiyon. "Actually, first time akong makipag-kissing scene sa mas bata sa akin. Kasi usually, matanda sa akin. Even si Tonton [Gutierrez], mas matanda sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Even in real life ba, first time niya na may makahalikan na bagets?

"In real life, hindi yata! Hindi yata si Polo ang bagets! Basta, hindi n'yo kilala!" natatawa niyang sabi.

Ano ang naramdaman niya sa naturang kissing scene nila ni Polo?

"Naku, hindi ko nga masyadong naramdaman kasi kinabahan ako!" tawa niya ulit. "Hindi naman siya torrid, pero medyo matagal lang. E, kasi hindi naman na talaga ako gumagawa ng mga kissing scenes na ganyan!

"Nanginig talaga ako...naloka talaga ako! Talagang sinasabi ko sa script, ‘Gagawin ba to?' Feeling ko, dadayain naman. Pero noong sinabi nilang gagawin talaga, talagang ako, ‘Sigurado ba kayo?'" natatawang kuwento ni Jean.

Ano naman ang nakita niyang naging reaction ni Polo pagkatapos kunan ang kissing scene nila?

"After ng scene, sabi niya, ‘Ms. Jean, bakit nanginginig ka? Bakit kinakabahan ka?'

"Sabi ko, ‘Aba siyempre, kinakabahan ako! Bakit ikaw, hindi ka kinabahan?'

"Sabi niya, ‘Hindi ah!'

"Kaya sabi ko, ‘Naku, ewan ko sa ‘yo! Ang pangit mo ha!' Para makaganti lang," natatawa pa rin niyang kuwento.

OUT-OF-TOWN CONTROVERSY. Naitanong din namin kay Jean ang tungkol sa nakaraang insidenteng kinasangkutan niya sa isang out-of-town engagement niya, na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang i-reveal. Dahil sunud-sunod ang mga intrigang kinasasangkutan niya, ano ang masasabi niyang natutuhan niya sa mga ito?

"Siguro natuto na ako kung paano ko ba iti-treat na medyo maganda ulit at hindi maiiba ang ano... Well siguro, at my age right now, lahat ng pupuntahan ko or makakahalubilo ko, yung hindi ako ganun ka-trustful," sagot ni Jean.

Na-trauma na ba siya dahil sa naturang pangyayari?

"Hindi ko masasabi, e. Ayoko na kasing pag-usapan. Siguro ang dapat ko lang gawin, mas pagtutuunan ko na lang ng pansin ang mga taong totoong nagmamahal sa akin. Kesa i-take for granted ko sila, mas sila ang mga taong dapat kong pagtuunan ng pansin. And I'll be grateful at huwag muna kong maghanap ng mga taong akala ko mahal nila ako, pero hindi pala," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay ng naturang insidente sa isang probinsiya, may naglabas ng kuwento na totoong nangyari diumano kay Jean. Nagsimula raw ang sinasabing insidente dahil naunang magwala rito ang aktres. Ano ang masasabi ni Jean dito?

"Ang masasabi ko lang, ever ba nagkaroon ako ng record na nagwala ako sa set, sa bar, sa disco? Sa party ni ganito? Actually, I don't attend nga showbiz parties. Hindi talaga ako showbiz. Alam n'yo ‘yan. Sana lang, huwag na lang akong gawan ng ibang story para lang may masabi sa akin," pakiusap niya.

Sa tingin niya ba ay tama ang naging desisyon niya na manahimik na lang?

"That's my decision," diin niya. "I would rather yung huwag nang palakihin. Maybe meron akong mga pinoprotektahan. Maybe I'm protecting myself, I'm protecting my family. Whoever I'm protecting, it's my right. Hindi ko sinasabi na I am protecting myself dahil natatakot ako. Siguro mas maganda na ipasa-Diyos na lang natin ang lahat. Sabi nga nila, tanggapin mo na lang. Okay na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN