Bobby Andrews denies involvement in investment scam

IMAGE 0


Actor Bobby Andrews has absolved himself from any involvement in the ongoing E-Text BSI investment scam.



Kung mapapatunayan daw na kasosyo ang male celebrities na sina Bobby Andrews at Michael Flores ng E-Text BSI investment, isasama sila ng mga diumano'y na-scam nitong mga OFWs sa isang class suit.

Ayon sa report ni Ogie Diaz sa kanyang segment sa morning show na Umagang Kay Ganda noong Lunes, October 22, umabot daw ng 50 million dollars ang kabuuang investment ng mga OFWs sa naturang kooperatiba. Nakarehistro raw ito sa SEC at DTI, pero nang magsara ito, wala raw naibalik na pera sa mga investors.



Naidawit sina Bobby at Michael dahil sa tuwing may seminar daw ang mga recruiters ng E-Text BSI, lagi raw binabanggit ang pangalan ng dalawang aktor. Ito rin daw ang sinasabi ng presidente nito na nagngangalang Jericho Estrella sa mga bagong investors.



Pero ayon kay Ogie nang makausap nito si Michael, itinanggi nito na may kinalaman sila ni Bobby sa naturang investment scheme. Investors din daw sila ni Bobby rito. Nabanggit pa raw nito na hindi pa nga sila fully paid sa endorsement nila sa isang convenience store na bahagi ng investements ng E-Text BSI.

Dating magkasama sina Bobby at Michael sa youth-oriented show na TGIS.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN