Angelica Jones reconciles with mom, returns home

IMAGE 0


"Balik-bahay ako, pero nandun pa rin yung space na pinag-usapannamin ng mama ko...Uuwi pa rin ako pero hindi na katulad before na minu-minuto, nakailangan sa taping, nandun siya. Hindi na ganun," says Angelica Jones about the current set-up of her relationship with mother Beth Jones.



Nilinaw ng sexy comedienne na si Angelica Jones na hindi siya sumama sa kanyang boyfriend o kung sinong lalake nang umalis siya sa kanilang bahay. Matatandaang iniwanan ni Angelica ang kanilang tahanan dahil sa pagkakautang diumano ng kanyang ina na si Beth Jones.

"Actually, nung nagkaroon kami ng... Wala po akong boyfriend, wala akong lalake. Bago ko unahin yung lalake, uunahin ko muna nanay ko't pamilya ko. Nakituloy ako sa friend ko, sa condo niya. Babae po ‘yon, best friend ko," paliwanag ni Angelica sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng La Vendetta noong October 23 sa Ilustrado restaurant, Intramuros, Manila.

Napag-alaman namin na noong Lunes, October 22, ay umuwi na si Angelica sa poder ng kanyang ina.

"Balik-bahay ako, pero nandun pa rin yung space na pinag-usapan namin ng mama ko. Na hindi na katulad dati, na before na sobrang... Uuwi pa rin ako pero hindi na katulad before na minu-minuto, na kailangan sa taping, nandun siya. Hindi na ganun.

"Kailangan ko din ng privacy. May sarili din siyang mundo, kailangang harapin niya yung mundo niya, at iba din yung mundo ko. Iba yung mga kaibigan ko, at may trabaho ako na dapat hindi laging nandiyan ang mama ko. Para makapag-focus ako, at siya rin makapag-focus sa kanyang trabaho," paliwanag ni Angelica.

Wala na ba silang samaan ng loob ng kanyang ina na nag-ugat sa pagkakautang nila diumano ng malaki sa kaibigan ni Mommy Beth?

"Nagkaroon lang ako ng sama ng loob kasi inilihim niya sa akin na meron palang ganun," sabi ni Angelica.

Paano nailihim sa kanya ang pagkakautang ng kanyang ina? Hindi ba sa eleksiyon ginamit ang pera?

"Hindi sa eleksiyon, sa amin, yung personal. Kasi nga naubos yung money namin nung election. So ngayon, parang humihingi lang ako sa mama ko ng space kasi na-shock ako sa nangyari. Bakit lumala? Bakit nagkaganyan?" paliwanag ni Angelica, na natalo nang tumakbo siya bilang board member sa Laguna noong nakaraang eleksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Angelica na meron pa silang binabayarang utang, pero hindi naman daw ganun kalaki tulad ng napabalita.

"Hindi milyon, exaggerated na ‘yun! After nag-guest ako sa Showbiz Central, tinawagan ako nung babae, yung babae na hindi na niya [Mommy Beth] kasundo. Gusto niya makipag-usap sa akin, makipagtagpo para matigil na ‘to, ma-settle na lahat. Naaawa siya sa akin," kuwento niya.

Ayon pa kay Angelica, nagkausap na raw sila ng pinagkakautangan ng kanyang ina. Iuurong na rin daw nito ang demanda laban sa kanyang ina.

Kasama si Angelica sa kauna-unahang suspense drama ng GMA-7, ang La Vendetta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN