Interview with John Lloyd Cruz on his real and reel relationships

IMAGE 0


"Alam n'yo, kahit sinong tao, basta nandoon ka sa relationship na ‘yon,nandoon kayo sa now... ‘Eto ang present, you always wish na kayo na... Pero kungtatanungin mo ko kung siya na, kung may plano na kami, wala pa," said John Lloyd Cruz when asked about settling down with girlfriend Liz Uy.



Halos lahat ng entertainment press na dumalo sa presscon ng pinakabagong pelikula ng Star Cinema, One More Chance, ay nagkakaisa sa impression na very much in love at ibang-iba ang aura at outlook ni John Lloyd Cruz. Ginanap ang naturang presscon kagabi, October 25, sa ABS-CBN compound, Quezon City.

Mas witty at halos lahat ng tanong na ibinabato sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay game na sinasagot ng young actor.

PEP: Based on the title of your movie One More Chance, may episode ba sa buhay mo na puwede mo pa ring bigyan ng one more chance?



John Lloyd: Kung ang tanong ay kung nangyari na ba sa akin na nagbigay ako ng one more chance, nangyari na. Pero siguro nga, that very moment ay mas nangibabaw ang pain kesa sa iba mo pang nararamdaman. Pero sa pangyayaring ‘yon, kasabay naman ang pag-move on. Nakikita mo ang kagandahan ng labas. Ang nangyari din sa akin, nakita ko ang kagandahan ko, ng ibang tao. At may nakita ka ring tao na nakita mo yung kagandahang ‘yon.


PEP: Naging girlfriends mo sa showbiz sina Kaye Abad at Ciara Sotto. Sino sa dalawa ang puwede mong bigyan ng one more chance, si Kaye na nasa Cavite o si Ciara na nasa Las Vegas na ngayon?



JL: Sa tingin ko naman po, sapat na po ang kalagayan ko ngayon. Kasi sa tingin ko, meron na rin silang kanya-kanyang buhay ngayon at masaya sila sa buhay nila. I don't think kailangan pa silang tanungin or bigyan ng one more chance.


TANDEM WITH BEA. Kung pagmamasdan sila ng kapareha niya sa pelikula na si Bea, halatang mas lalo pa silang naging kumportable sa isa't isa. In fact, at ease na at ease lang si John Lloyd nang paulanan ng biro ang ka-loveteam during the presscon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


PEP: Napakaganda ng chemistry niyo ni Bea sa pelikula. Pinagtatakahan ng karamihan, paano nga ba't hindi kayo talaga naging kayo?

John Lloyd: Alam n'yo, sa tingin ko, kahit sinong lalaki, hindi mauubusan ng salita para hindi ma-in love sa isang Bea Alonzo. Sabihin na nating destiny. Hindi ko masasabing hindi darating ang destiny na ‘yon. Pero siguro, hindi pa lang talaga kami dinadapuan.


PEP: How do do you feel na ngayon ay mas open na si Bea sa relasyon niya sa kanyang boyfriend na si Mico Palanca?


JL: Well, happy ako na ganyan na ang approach niya pagdating sa personal life niya. Unang-una, mahirap yung meron kang itinatago. E, napakaliit ng Manila para magtago kayo. Sinong lolokohin n'yo, mga sarili n'yo?


PEP: Sa tingin mo ba ay malaki rin ang naging influence mo kay Bea since dati ka pang very open with your lovelife?


JL: Hindi ko alam kung ganun kalaki ang impluwensiya ko kay Bea. Kung ganoon man, kung naiimpluwensiyahan ko siya, happy ako dahil naniniwala akong mas madali ang buhay nila together kung wala silang itinatago.


NOT MEANT TO BE. Sa presscon, inamin ni Bea na sa halos limang taon na sila ni John Lloyd bilang magka-loveteam. May punto talaga sa buhay ni Bea na umasa siyang one day sana ay ligawan siya ng binata.

PEP: Hindi rin ba sumagi sa isip mong ligawan si Bea or maging kayo na?


John Lloyd: Sinabi ko nga, kahit sinong lalaki na mapunta sa sitwasyon ko, na makatrabaho ang isang katulad ni Bea, imposibleng hindi sumagi sa isip mo na magustuhan siya at gusto mong ligawan. Kaya lang, mas nangibabaw yung takot na magpatuloy. Hindi siya real love kung tutuusin dahil may takot, e.


PEP: Saan nanggaling ang takot na 'yon?


JL: Siyempre, iniisip mo yung trabaho. Siyempre, at that time, sobrang focus kami sa trabaho namin. Ingat na ingat kami...ewan ko, parang sinalungat ko yung trend na hindi ba, kapag loveteam nagiging kayo, tapos hindi magiging maganda ang kakalabasan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Inaamin ko rin naman na may point din sa buhay ko na...not muntik na... pero sumagi rin sa isip ko. Naniniwala ako na kahit siguro sa inyong lahat, mangyayari ‘yon. Siguro hindi sapat.

LIZ UY. Ayon kay John Lloyd, wala talaga silang specific date na sine-set kung kailan nag-start ang relationship nila ng girlfriend niyang si Liz Uy, fashion editor ng Preview magazine. Halatang-halata ang pagiging in love ng young actor sa kanyang girlfriend.

PEP: Ilang taon na ba kayo ni Liz na mag-on?


John Lloyd: Hindi naman kasi kami nag-ano...wala kaming sine-set na date. We've been going out for quite a while. Basta, wala kaming sine-set na date. Siguro we've been going out for two years.


PEP: Gaano ka ba ka-happy ngayon with your girlfriend?


JL (nakangiti): Happy ako, happy kami...happy!


PEP: Naniniwala ka ba sa loyalty or being monogamous?


JL: Siyempre naman, I believe in fidelity! Simple lang sa akin, like kung ano ang ayaw gawin sa ‘yo, huwag mong gawin.


PEP: Sa palagay mo ba ay mas click ang relasyon mo sa isang hindi taga-showbiz?


JL: Hindi naman po tayo naglalagay ng qualities or nagse-set ng standard. Naniniwala akong kapag dumapo sa ‘yo, yun, darating siya kahit na ano.


PEP: Si Liz na nga ba ang huling babae sa buhay mo?


JL: Mahirap magsalita... Alam n'yo, kahit sinong tao, basta nandoon ka sa relationship na ‘yon, nandoon kayo sa now... ‘Eto ang present, you always wish na kayo na. Hindi mo naman in-appoint na someday, you'll end up together and we'll live happily ever after. Hindi mo naman kinokontra ‘yon. Pero kung tatanungin mo ko kung siya na, kung may plano na kami, wala pa.


PEP: Kailan kaya ‘yon, if ever?


JL (natatawa): Magpa-presscon po ako! If ever man, very simple lang siguro. Tight, e, tight ang budget. Chinese, e!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Ang tinutukoy ni John Lloyd sa kanyang pagbibiro ay ang pagiging Chinese ng kanyang girlfriend.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN