Estranged couple Aiko Melendez and Martin Jickain face each other in court

IMAGE 0


"Nag-compromise ako sa kanila. I've always said that I'm a forgivingperson. I'm willing to compromise for as long as they compromise alsowhat I want. I hope Martin will be man enough to do that," says Aiko Melendez about the visitation rights the Court granted to estranged husband Martin Jickain.



Kaninang umaga, October 26, itinakdang magharap ang mag-asawang Aiko Melendez at Martin Jickain sa Quezon City Regional Trial Court para dinggin ang request ng actress-politician na palitan ng Permanent Protection Order (PPO) ang existing Temporary Protection Order (TPO) laban kay Martin. Bunsod ito ng kasong pananakit na isinampa ni Aiko laban sa asawa.

Halos tatlong buwan na ring hindi nag-uusap at nagkikita sina Aiko at Martin. Kaya ito ang unang pagkakataon na nagkita silang muli.

Unang dumating si Martin kasama ang inang si Cecil Jickain. Tahimik lang ang modelo at halatang tensiyonado. Ilang minuto pa ay dumating na si Aiko kasama ang kanyang mga bodyguard at staff.

Sa magkahiwalay na bench naupo ang estranged couple, katabi ang kani-kanilang mga abogado.

PRIVATE CHAMBER. Nang oras na para dinggin ang kanilang kaso, pinapasok sina Aiko at Martin ng huwes sa isang private chamber. Court clerk at mga abogado lamang nila ang mga kasama. Dahil Family Court ang may hawak ng kaso, hindi ito puwedeng dinggin sa publiko.

Tumagal ng isang oras ang hearing.

Naghihintay naman sa courtroom ang ina ni Martin na nakita naming nagro-rosaryo. Ang ama naman ni Martin, palakad-lakad sa corridors at halatang mabigat na tensiyon na nararamdaman nito.

VISITATION RIGHTS. Naunang lumabas si Martin mula sa private chamber. Nakangiti ito at maaliwalas na ang mukha.

"Na-grant ng judge na makakuha ako ng visitation rights para makita ko ang anak ko every Sunday 12 to 3 pm," masayang pahayag ni Martin sa panayam sa kanya ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kuwento pa ni Martin, naluha raw siya nang makuha niya ang kanyang hiling.

"Medyo marami pang paper works kaya hindi ko alam kung nitong Sunday na ‘yon, pero aayusin na namin. Ang mahalaga, makikita ko na si Marthena. May plano na nga ang mommy ko na magpapa-misa kami sa Linggo," lahad ng modelo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo reserved naman ang mga pahayag ni Aiko pagkatapos lumabas mula sa private chamber. Aniya, ayaw na raw niyang pag-usapan si Martin. Ang mahalaga raw ngayon ay ang kapakanan ng kanilang anak.

"Nag-compromise ako sa kanila. I've always said that I'm a forgiving person. I'm willing to compromise for as long as they compromise also what I want. I hope Martin will be man enough to do that," mariing pahayag ni Aiko.

Bukod sa visitation rights, na-grant din ang request ni Martin na liitan ang radius na nakasaad sa TPO. Ayon sa TPO, hindi makakalapit si Martin sa lugar na tinitirahan at pinagtatrabahuhan ng asawa sa loob ng 1,000 meters. Ngayon, nasa 500 meters na lang ito.

Reklamo ni Martin, maraming commercial at medical establishments daw ang within 1,000 meters dahil sa Quezon City Hall nag-o-opisina ang asawa.

Nagkasundo naman ang mag-asawa na tanging ang kapakanan ng kanilang anak ang kanilang iisipin sa ganitong sitwasyon.

"Basta para sa welfare ng anak ko, basta makabubuti, who am I para magdamot," sabi ni Aiko.

Mariing pahayag naman ni Martin: "Mabuti naman dahil pareho kami ng iniisip pagdating sa ikabubuti ni Marthena. Just like what I said before, nirerespeto ko ang desisyon ng korte at hindi ko kinakalaban si Aiko. Ipinaglalaban ko lang ang karapatan ko bilang ama."

Sa isang linggo itutuloy ang pagdinig sa request ni Aiko na PPO.

NOT YET FRIENDS. Ayon na rin sa pahayag ni Aiko, mukhang matatagalan pa bago sila makipag-ayos kay Martin.

Tinanong namin si Aiko kung patungo sa pagiging magkaibigan ang mga hakbang na ginagawa nila ni Martin ngayon. Hindi ba't naging magkaibigan sina Aiko at Jomari Yllana dahil sa anak nilang si Andrei?

"I don't think so. Not yet. I'll cross the bridge when we get there," sagot ni Aiko.

Samantala, mukhang iba naman ang pananaw ni Martin sa mga pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, anytime... Actually kanina, hinihintay ko lang siya tumingin sa akin. Kung puwede lang, gusto ko na nga sanang sabihin ‘Uy, bati na tayo!' Maganda yung wala kang galit sa loob mo di ba?" sabi ni Martin.

Samantala, nakiusap naman si Aiko sa media at publiko na huwag na sanang bigyan ng kulay ang mga pinagdadaanan nila ngayon. Matatandaang nali-link ngayon si Aiko sa isang politician na taga-Bulacan.

"Sa pinagdadaanan ko, kahit naman sinong tumabi sa akin, ili-link sa akin. Sana huwag na kasi hindi naman kasama ang ibang tao sa TPO," pakiusap niya.

Handa naman daw makipag-usap si Aiko sa mga kaanak ni Martin dahil sa isang banda ay naging parte na sila ng buhay niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN