Zanjoe Marudo loves showbiz; rumored girlfriend Mariel Rodriguez doesn't

IMAGE 0


"Nailabas lang niya lahat ng sama ng loob niya kasi nga mahirap talaga[sa showbiz]. Ang daming bagay na hindi magawa, yung iba naman bawalmong gawin. Kahit simpleng bagay lang hindi mo magawa dahil sa trabaho," Zanjoe Marudo defends Mariel Rodriguez, who is being linked to him.



Nakatutok din ang dating housemate ni Kuya na si Zanjoe Marudo sa bagong edition ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Kaya kitang-kita ni Zanjoe ang reaksiyon ng nali-link sa kanya na celebrity guest housemate ngayon sa Bahay ni Kuya na si Mariel Rodriguez.



Halatang kinilig sabay karipas ng takbo at umaming hindi masyadong nakatulog si Mariel nang iparinig sa kanya at sa celebrity housemates ang boses ni Zanjoe habang naggu-good night sa kanilang lahat. Open na open na sa pagpapakita ng kanyang emosyon si Mariel towards Zanjoe sa kabila ng pagtanggi nila sa kanilang relasyon.



"Baligtad kami, e. Siya very open [sa pagpapakita ng kanyang emosyon], ako hindi," pahayag ni Zanjoe sa presscon ng Super Inggo 1.5 last Thursday, October 25, sa ABS-CBN compound, Q.C.



Kinilig din kaya si Zanjoe nang mapanood niya na kinilig si Mariel sa boses niya?



"Nakita ko na kinilig nga siya. Kinilig din ako!" natatawang sabi ni Zanjoe.



Duda ng marami, si Zanjoe ang tinutukoy ni Mariel na "friend" niya na sobrang mami-miss niya.



"Ako ba ‘yon? Marami siyang friends, e," pa-innocent effect ni Zanjoe.



Mahal ba niya si Mariel?



"Lahat ng taong nakapaligid sa kanya, mahal siya," sagot ng model-turned-actor.



What about him, mahal ba niya si Mariel?



"Lovable siya," pag-amin ni Zanjoe. "Ibig sabihin, madali siyang mahalin."



Ano ang reaksiyon ni Zanjoe sa sinabi ni Mariel noong isang gabi sa loob ng Bahay ni Kuya na hindi niya gusto ang showbiz and "it's so kadiri"?



"Sinabi niya?" laking gulat ni Zanjoe. "E, bakit siya nasa showbiz? Ganun talaga, e. Sa showbiz, kailangan patibayan. Alam mo kung paano mo... Kasi pinasok mo ‘yan, e, kailangan tanggapin mo lahat."

Sa palagay ba niya ay tamang sinabi ‘yon ni Mariel?

"Hindi," sagot Zanjoe. "Kasi sa opinion ko, kung hindi niya sinabi ‘yon... Nailabas lang niya lahat ng sama ng loob niya kasi nga mahirap talaga [sa showbiz]. Ang daming bagay na hindi magawa, yung iba naman bawal mong gawin. Kahit simpleng bagay lang hindi mo magawa dahil sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ako nag-e-enjoy ako sa showbiz. Depende kasi sa tao ‘yan kung paano iha-handle ‘yan. E, ako, kaya ko naman i-handle lahat ng nangyari sa akin kahit na ganito sa showbiz. Hindi ako nandidiri. Nasa sa ‘yo kung paano mo iha-handle. Ako kasi, dahil dito nagkakaroon ako ng trabaho. Grateful ako na nasa show biz ako," pahayag ni Zanjoe bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN