Jennylyn Mercado pledges loyalty to GMA-7

IMAGE 0


"Siyempre po, ito ang network ko. Kumbaga, dito ka lumaki, dito ka nakilala, dito mo na maipapakita yung loyalty mo, ang utang na loob mo, at kung paano ka talaga magtrabaho," says Jennylyn Mercado about her loyalty to GMA-7.



Hindi masabi ng young actress na si Jennylyn Mercado kung sino ang pipiliin niya between her manager Becky Aguila and her home network, GMA-7, sakaling kailangan niyang iwan ang isa ngayong okay na sila ng kanyang manager.



Nagkabati na rin kasi sina Jennylyn at si Becky at pinag-usapan nila ang mga naging problema.



"Mahirap po, e, mahirap magsalita," sabi ng young actress nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ukol sa mas papaboran sakaling papiliin ng dalawang kampo.



Nagbigay ba ng assurance si Jennylyn sa GMA-7 na bagama't nagkaayos na sila ng manager niya ay nasa kanila pa rin ang loyalty niya?



"Siyempre po, ito ang network ko," sagot niya. "Kumbaga, dito ka lumaki, dito ka nakilala, dito mo na maipapakita yung loyalty mo, ang utang na loob mo, at kung paano ka talaga magtrabaho."

May peace of mind na ngayon ni Jennylyn dahil ayos na ang lahat, lalo't sunud-sunod na ang proyekto niya sa Kapuso network. Pagkaraan lumabas sa Magpakailanman, nasundan agad ito ng iba pang guestings sa ibang TV shows ng Siete. At mamayang gabi, October 29, ay mapapanood na siya sa suspense-drama series na La Vendetta.



"Nagpapasalamat nga ako at okay na ang lahat," sambit niya. "Bale ito ang pinakamabigat na role na maituturing ko. Challenging kasi ito dahil ngayon lang ako naging mother. Medyo mature ang role ko rito at heavy drama talaga ito."



Ang paglipat ng co-talent niya kay Becky na si Angel Locsin sa ABS-CBN-2 ang naging daan para ma-freeze ng ilang buwan ang career ni Jennylyn. Masasabi ba niya na vindicated siya ngayong ang laki-laking proyekto ang naibigay sa kanya, kahit na ang ilan ay nawala dahil sa pagkakadawit sa misunderstandings between Kapuso Network at ng kanyang manager and Angel?



"Gusto ko ngang linawin ‘yan, kasi may mga lumalabas nga before na ako raw yung sa ganitong project o sa ganyang shows. Unang-una, hangga't hindi nagrorolyo ang kamera ay hindi mo naman malalaman kung ikaw talaga ay kasama roon o para sa iyo ang isang project, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hangga't hindi sinasabi na sa iyo at walang kontrata, hindi talaga ikaw. Marami pang posibeng mangyari sa mga ganoong sitwasyon. And thankful talaga ako dahil dumating itong La Vendetta and binigyan ako ng chance ng GMA-7 na gawin yung job ko," paliwanag at pasasalamat ni Jennylyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN