Danita Paner claims her life with Daisy Romualdez is "hell"

IMAGE 0


"Ayoko nang umiyak. Ayoko nang minumura ako, ayoko nang lagi na lang walang choice. Kasi sobrang simple lang ng gusto kong mangyari sa buhay ko, yun lang," says Danita Paner, who left home a second time.



Kusang-loob na lumantad ang young singer na si Danita Paner sa The Buzz kahapon, October 28, pagkatapos lumayas sa poder ng kanyang adoptive mother na si Daisy Romualdez. Pinabulaanan ni Danita na may kinalaman ang boyfriend niya at member ng bandang Calla Lily na si Kean Cipriano sa kanyang paglayas.

"Wala pong pumilit sa akin na pumunta dito na magpa-interview. Kusang loob ko po ‘tong ginawa para sana tumigil na rin yung isyu na ‘to. Hindi ko na rin kaya lahat ng nangyayari sa loob ng bahay," lahad ni Danita.



"Verbal abuse talaga. Impiyerno talaga, sobrang impiyerno!" dagdag pa ni Danita habang umiiyak.



Isiniwalat ni Danita ang dahilan kung bakit siya umalis sa bahay ni Daisy.



"Kasi mahilig siyang mananakot, e. ‘Pag hindi ko siya sinunod, hindi ako papasukin sa school. Hindi ako makakalabas ng gate. Yung relasyon naming mag-ina... Kasi nga, sabi ko sana kasi kailangan ko yung suporta niya, tanggapin niya kung sino ako. Hindi yung kinukontra niya yung buhay ko.



"Sinabi ko sa kanya kasi sobrang simple lang naman, e. I'll go to school ‘tapos yung pagbabanda ko. Sabi ko, kay Daddy [Manny Paner] muna ako tumira. Pero hindi puwede, e. Hindi siya [Daisy] nakikinig, kailangan yung gusto niya palagi ang nasusunod. Ako, hindi."



EDUCATION ISSUE.
Labis ding ikinalungkot ni Danita nang sabihan siya ni Daisy na hindi na siya mag-aaral sa college.



"Kasi masama talaga ang loob niya kasi hindi ko talaga masunod yung gusto niyang mangyari, which is showbiz, ganun. Siyempre, gusto niya yung best for me. Pero nung sinabi niya sa akin na tama na raw yung high school... Nung sinabi niya ‘yon, sobrang mali talaga. Hindi dapat manggaling sa kanya ‘yon," naiyak na pahayag ni Danita.



"Kasi siyempre, Mommy ko siya tapos sasabihin niya sa akin ‘yon. Ang hirap tanggapin."

BATTERED CHILD? Inilantad din ni Danita ang isa pang rebelasyon sa kanyang pagsu-showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"'Pag guesting, may show, may commercial, may movies, dapat tanggapin ko lahat ‘yon. One time before, may tinanggihan ako ‘tapos binugbog niya ako kasi ayoko talaga. Pinaninindigan kong ayoko.



"May mga incidents na rin kasi na nag-backout kami sa isang show dahil kay Mommy. Dahil minura niya ‘ata yung organizer. Dahil lang sa isang dressing room na hindi naman sarili ko. Hindi ako nagrereklamo kasi ako, tanggap ko na bago pa lang kami. Sabi ko kung ganito lang din yung mangyayari, di huwag na kung parang siya lang din yung sisira sa akin, e, di huwag na lang lahat."



Sinubukan na raw niyang kauspin si Daisy sa problema nila, pero hindi raw siya pinakinggan.



"Actually, trinay ko nang kausapin siya, dinaan ko na sa sulat, sa lahat. Hindi talaga nag-work kasi pangalawang alis ko na ‘to, pangalawang layas ko na ‘to pero wala talang nangyari."



Sa pangalawang paglalayas niya, nagulat si Danita na lumabas sa telebisyon si Daisy.



"Nagulat ako nung makita ko siya sa TV, although nagwo-worry din ‘yon kaya hindi mo maaalis sa kanya. Kaso nakakababa ng self-esteem. Imbes na kausapin niya ako nang maayos, ang hilig niyang manakot. Ang hilig niyang mandamay, ang hilig niyang manisi. Sabi pa niya, ako yung nagwawala, ako yung nananakot. Siya yun, e. Siya yung ganun, e, hindi ako," paliwanag niya.



DANITA'S EX-BOYFRIEND. Dinepensahan din ni Danita ang ex-boyfriend na si Kean Cipriano sa akusasyon ni Daisy.



"Actually, si Kean walang kinalaman, e, Kumbaga, hindi siya yung rason kung bakit ako umalis. Nagugulat ako kung bakit siya yung sinisisi ni Mommy. Hindi ko pa nakikilala si Kean, ganito na yung samahan namin."



Sinabi rin ni Danita na hindi pa siya handa na harapin ang kanyang Mommy Daisy.



"Siyempre, gusto kong kausapin, gusto ko rin siyempreng maayos lahat. Kaso parang nakakatakot kasi baka mamaya kaladkarin ako pauwi. Hindi pa rin kami magkaintindihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Siyempre, utang na loob ko na kay Mommy kumbaga habang buhay na ‘yon, kasi siya yung nagpalaki sa amin. Si Mommy, good provider ‘yan kaso nga lang dinadaan niya sa lahat ng material na bagay na kung tutuusin, hindi ko naman talaga kailangan ‘yon, e," kuwento niya habang umiiyak.



Nagbigay rin si Danita ng pahayag para sa kanyang Mommy Daisy.

"Sorry kasi umalis ako. Hindi ko lang talaga kaya. Alam mo yung relasyon natin. Saka thank you kasi pinalaki mo kami, kaso umabot lang talaga sa point na pareho tayong nasasaktan. Ayoko nang umiyak. Ayoko nang minumura ako, ayoko nang lagi na lang walang choice. Kasi sobrang simple lang ng gusto kong mangyari sa buhay ko, yun lang.



"Actually, kaya ako lumabas para rin dun sa mga taong nadadamay. And sa mga taong nabigyan ng subpoena ng NBI na hindi naman dapat, gusto kong mag-sorry sa kanila at dun sa family nila," pahayag ni Danita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN