Supporters visit FPJ's resting place

IMAGE 0


ABS-CBN recently acquired the rights to the FPJ film library, which has almost 110 movies, of Fernando Poe Jr. All his works will be shown on Cinema FPJ: Da King onABS-CBN.


Halos tatlong taon na ang nakalilipas mula noong bawian ng buhay ang Da King of Philippine Cinema na si Fernado Poe Jr. pero buhay na buhay pa rin ang alaala nito sa kanyang mga taga-suporta.

Kahapon, ika-1 ng Nobyembre at Araw ng Mga Santo, daang-daang Pinoy ang dumagsa sa himlayan ni FPJ sa Manila North Cemetery; ang iba ay galing pa raw sa probinsiya. Bitbit ang mga posters at larawan ng kanilang idolo, pati na rin mga bulaklak at kandila, nag-alay sila ng dasal para sa Da King.

"Nag-iisa lang talaga siya. Siya ang aming action hero at presidente," wika ng isa sa mga masugid niyang fans.

(Para sa mga larawan, i-click ang LINK na ito.)

Samantala, ang maybahay ni FPJ na si Susan Roces ay nauna nang nagpunta noong ika-30 ng Oktubre. Ang dating pangulong Joseph Estrada naman ay bumisita, sa unang pagkakataon, noong ika-31 ng Oktubre.

Namatay si FPJ noong December 14, 2004, matapos atakihin ng stroke. Milyun-milyong Pinoy at mga kasamahan sa industriya at kaanib sa pulitika ang nakiramay sa naiwang pamilya ng Hari ng Pelikulang Pilipino at nakipaglibing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN