Toni Gonzaga insists "Pinoy Big Brother" is not scripted

IMAGE 0


"Every season naman, I think nagiging issue na ‘yan ng PBB. It can't be scripted, ‘yan talaga ang nangyayari sa loob ng bahay," says Toni Gonzaga (in photo) about the intrigue that Pinoy Big Brother is scripted. Toni has become a guest housemate, like co-host Mariel Rodriguez.



Matagal nang naiintriga na scripted daw ang nangyayari sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house. May hinala ang iba na kung anuman ang napapanood sa bawat pumapasok sa loob ng Bahay ni Kuya, may sinusunod siyang script. At mismong mga taga-PBB daw ang sumulat o may gawa.



Ngayon ay nasa loob ng bahay ang mga PBB hosts Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga, na sumunod kay Mariel noong Linggo, October 28. Sinuwerteng nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni ilang oras bago siya pumasok sa Bahay ni Kuya sa live presentation ng ASAP '07.

Pinabulaanan ni Toni na scripted o gawa-gawa lang kung anuman ang kaganapan sa loob ng PBB house.



"Every season naman, I think nagiging issue na ‘yan ng PBB. It can't be scripted, ‘yan talaga ang nangyayari sa loob ng bahay," diin ni Toni.



Patuloy niya, "I really don't know what's going on inside. Kahit ako, hindi ko alam kung ano ang nangyayari. I just go on in the set, read the script, and be surprised with what's gonna happen next."

Walang idea na siya na pala ang susunod na papasok sa loob ng Bahay ni Kuya bilang guest housemate, nagbigay pa ng depensa si Toni sa mga taong nao-off daw sa pagiging emotional ng co-host niyang si Mariel. Inamin din niya na sobrang nami-miss na nila ni Bianca Gonzales ang kanilang co-host.



"Emotional talaga siya [Mariel] in person," sabi ni Toni. "It just so happened na na-hype up lang dahil pumasok siya sa bahay. She's very vulnerable.

"Nami-miss namin siya. Nasanay kasi kami na kaming nagho-host na tatlo. It's really different when she's not with us."

PAUL SORIANO. Samantala, dumaan din sa pagsubok ang relasyon ni Toni sa boyfriend niyang si Paul Soriano. Nakuwestiyon ang krediblidad at sinseridad ni Direk Paul nang ma-involve ang pangalan niya sa ipinagbubuntis noon ni Camille Prats dahil sa kanyang "No comment."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin namin si Toni kung nabawasan ba ang tiwala niya kay Paul o kung may regrets siya na si Direk Paul ang pinili niyang maging first boyfriend, sinabi ni Toni na wala siyang pinagsisisihan.



"We're okey, very okay. Going strong, it's better than before. Yung tiwala, nandun na ‘yon ever since. If you have to get into something, you have to be sure na hindi mo pagsisihan. So far, so good, I don't think I'm gonna regret knowing him," pahayag ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN