Jennylyn Mercado won’t renew contract with Becky Aguila

IMAGE 0


The first StarStruck Ultimate Female Survivor is happy that her career is back on track. After La Vendetta, she is set to do two more projects on television.


Nakuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang reliable source na hindi na raw magre-renew ng kontrata si Jennylyn Mercado sa kanyang manager na si Becky Aguila.

Hindi tulad ng kontrata ni Angel Locsin, wala raw option to renew ang kontrata ni Jennylyn, na mag-i-expire this early 2008, sa management ni Becky.


Sa interview namin kay Jennylyn sa set ng La Vendetta sa San Fernando, Pampanga, looking forward na raw si Jen sa pag-expire ng kanyang contract with Becky. Naging vocal naman daw si Jen na may mga hindi siya nagustuhan sa takbo ng kanyang career, partikular na ang pagkadamay niya sa paglipat ni Angel sa ABS-CBN 2.


"Inaayos na po namin," ngiti ni Jen. "Hindi ko ikukuwento pero mas magiging maayos na ang lahat next year."


Ilang beses ngang sinabi ni Jen na ang loyalty niya ay sa GMA-7 dahil despite what happened ay nakita niya ang pagmamahal ng mother TV station niya sa kanya. Bukod sa La Vendetta, kasama rin si Jen sa Joaquin Burdado na katatampukan ni Robin Padilla. Magkakaroon pa siya ng isa pang bagong show with her loveteam partner na si Mark Herras.


"Sa akin naman na direktang nakikipag-usap ang GMA-7 at hindi na kay Tita Becky. Para walang problema at hindi ako naiipit, sa akin or kay Mama [Lydia Mercado] na lang sila nakikipag-usap. Tulad ngayon, maayos ang nangyayari sa career ko at hindi na ako floating tulad dati," kuwento ng unang Starstruck Ultimate Survivor.


Dagdag pa ng aming source, inihahanda na ang exclusive contract ni Jennylyn sa GMA Artist Center 'pag matapos na ang kontrata kay Becky Aguila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN