John "Sweet" Lapus is the busiest comedian this year

IMAGE 0


John "Sweet" Lapus has just starred in his first Shake, Rattle & Roll movie. He is part of the "Christmas Tree" episode of the 9th sequel of this Regal horror franchise.



"God is good talaga," say ni John "Sweet" Lapus nang magkita kami sa pictorial ng Shake, Rattle & Roll 9 kagabi, November 3, sa Valencia compound ng Regal Films.

Ang SRR9 ang pang-limang pelikula ni Sweet na ipapalabas this year, making him the busiest movie comedian.

"Bale una ang X 44 [ng Star Cinema] na January ipinalabas," pasimula ng pagbibilang niya. "‘Tapos, Ang Cute Ng Ina Mo [ng Star Cinema] na Mother's Day. Ipinapalabas pa ang pangatlo, ang Apat Dapat, Dapat Apat [ng Viva Films] ‘tapos this November 28 ang showing ng Pasukob [ng OctoArts] at ‘eto [SRR9] na nga for Christmas naman."

Si Sweet ang tanging artista na nakapagtrabaho sa apat na mainstream film outfits: Star Cinema, Viva Films, OctoArts, and Regal Entertainment.

Ang SRR9 din ang kanyang first horror movie at first film festival entry.

"Mararanasan ko na ring sumakay sa float at kakaway-kaway," masayang sabi ni Sweet.

Isa si John sa na-consider last year na gumanap na Didi sa ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh. Napunta ang naturang role kay Chokoleit, pero walang regrets si John.

Balik kuwento niya about SRR9, happy siya at sa wakas ay mapapasama na rin siya sa horror franchise na ito ng Regal.

"Ay, ‘eto ang makabagong ‘Repridyetor,'" paalala ni John regarding one of the most frightening episodes sa franchise, sa first SRR that starred Janice de Belen and the late Charito Solis.

"Grade Five yata ako noon... Ay, ayokong magbukas ng ref noon pagkatapos ko itong mapanood! Kung kailangan kong buksan ang ref namin, ginagamitan ko pa ng walis.

"Pagkatapos mapanood ng mga bata ang ‘Christmas Tree' episode namin, baka hindi na rin sila lumapit sa Christmas tree sa bahay nila. Mabuti na lang nakatayo na siguro ang mga Christmas trees nila kapag ipinalabas ang movie namin."

May idinagdag si Ms. Roselle Monteverde-Teo, na katabi namin during the interview with John. "John also has the most expensive scene in the episode," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, oo nga!" pagsang-ayon ni John. "Ako kasi ang first victim, ako ang unang mamamatay kaya maraming special effects. Kakainin ako ng Christmas tree.

"Maldita naman kasi ang role ko kahit maid lang. Ako ang nag-suggest na dapat tunay na puno ang bilhin, hindi plastic. Galing sa South America or something ang puno, so hindi lang ito horror movie, environmental pa," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN