Vilma Santos devastated when mentor Ralph Recto lost senate bid

IMAGE 0

"Sabi ko kay Ralph, ‘It's their loss not yours.' But deep inside me,I'm in pain... Hindi ko ma-feel yung mganagko-congratulate sa akin kasi mas iniinda ko yung pagkatalo ni Ralph.Paano ako magse-celebrate kung ang mentor ko talo?" reveals Batangas Governor Vilma Santos.



Naluha ang birthday celebrator na si Batangas Governor Vilma Santos—na ang actual birthday ay noong November 3— habang ini-interview sa The Buzz kahapon, November 4. Ipinakuwento kasi kay Vilma ang scenario sa unang gabing nakumpirma ang pagkatalo ng kanyang mister na si Ralph Recto sa senatorial election noong Mayo.



Hindi itinanggi ng actress-public official na that was one of the lowest point of their lives as husband and wife. Itinago raw ni Vilma kay Ralph ang malaking lungkot na pilit niyang nilalabanan para huwag ma-depress ang natalong asawa.



"Sabi ko kay Ralph, ‘It's their loss not yours.' But deep inside me, I'm in pain. Alam ko kung gaano siya ka-sincere na tumulong para sa ating bayan at kung gaano siya kagaling. Hindi ko ma-feel yung mga nagko-congratulate sa akin kasi mas iniinda ko yung pagkatalo ni Ralph. Paano ako magse-celebrate kung ang mentor ko talo?" lahad ni Vilma.

Dagdag pa niya, "I admit kung wala si Ralph, hindi magiging maayos ang pagpapatakbo ko sa Lipa [Batangas]. Siya ang nagturo sa akin ng mahahalagang bagay sa pagpapatakbo ng Batangas."

Aminado rin si Vilma na masyadong nakatutok sa kanya si Ralph sa pagtakbo niya bilang governor ng Batangas more than his re-election as a senator. So, she promised sa pagtakbo ulit ni Ralph sa susunod na senatorial election ay siya naman ang tututok sa kampanya ng kanyang mister.

LUIS & ANGEL. Samantala, ingat na ingat naman si Vilma na magsalita tungkol sa relasyon ng kanyang panganay na anak na si Luis Manzano kay Angel Locsin.

"Mahirap mag-comment pagdating diyan. I don't really meddle pagdating sa lovelife ng anak ko. Kapag sumigaw sila, e-echo ako," nakangiting sabi ni Vilma.

Pero kung sa pagiging mabuting anak daw ni Angel, na nakita ni Vi dahil sa kagustuhan ng young actress na makakita muli ang Daddy niya—doon pa lang daw masasabi niyang mahal niya ang bagong babaeng nali-link sa kanyang binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIE CAREER. Bilang birthday gift, hiniling niya sa mga taga-Batangas na payagan siyang makagawa ng pelikula next year. Naurong na kasi nang naurong ang shooting ng movie ni Vilma sa Star Cinema.

Gusto kasi niya na maayos muna ang importanteng bagay sa kanyang pag-upo bilang bagong governor ng Batangas. Once she is settled down, saka siya magsu-shoot ng pelikula.

Hinahanap na rin daw kasi niya ang pag-arte sa harap ng kamera, shooting sa set at lahat ng involved sa paggawa ng pelikula. Nananalaytay pa rin kasi talaga ang dugong artista sa kanyang mga ugat.

Lastly, nakiusap si Vilma na tigilan na siya ng mga naninira sa kanyang pagiging governor ng Batangas.



"Once and for all, itong mga black propaganda na ayaw akong tigilan, e, tumigil na. Kauupo ko pa lang bilang gobernador ng Batangas. Hindi naman basta-basta na lang agad maaayos natin ang mga problema.

"Punahin nila ako kung after my term, e, wala akong ginawang maganda para sa lalawigan ng Batangas. Hindi ko man magawa ang trabaho ko ng perpekto dahil wala naman talagang perpekto. But the least I can do is to make it almost perfect," diin ni Governor Vi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN