Christian Bautista will sing "Lupang Hinirang" again if given a chance

IMAGE 0


"Totoo 'yon na hindi dapat binabalewala ang Philippine National Anthem.May mga nagtatanong nga sa akin, ano raw ba ang ginawa ko sa pagkantang 'Bayang Magiliw.' Ang sagot ko, 'Hindi po 'Bayang Magiliw' kunghindi 'Lupang Hinirang.' So, you see, marami rin ang nagkakamali maskina sa title na mismo, di ba?" says Christian Bautista.



Kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang singer na si Christian Bautista nang magdaos ng press conference ang World Vision Philippines para sa kanilang 50th anniversary show sa Tom's World, Robinson's Galleria. Bahagi ng charitable institution na ito si Christian, na isa sa maraming celebrities na nag-i-sponsor ng less-fortunate children para makapag-aral at makapamuhay nang maayos sa isang kaaya-ayang pamayanan.



Kahit masaya si Christian, naitanong pa rin namin kung may trauma pa ba siya sa pagkakamaling nagawa niya nang awitin niya ang "Lupang Hinirang" sa isang boxing match.



"Hindi siguro trauma, pero it's a lesson learned," sagot ni Christian. "Nagpapasalamat ako dahil marami pa rin ang dumipensa sa akin kahit inamin ko ang pagkakamali ko. Tao lang po talaga.



"Totoo 'yon na hindi dapat binabalewala ang Philippine National Anthem. May mga nagtatanong nga sa akin, ano raw ba ang ginawa ko sa pagkanta ng 'Bayang Magiliw.' Ang sagot ko, 'Hindi po 'Bayang Magiliw' kung hindi 'Lupang Hinirang.' So, you see, marami rin ang nagkakamali maski na sa title na mismo, di ba?

"And it's true, mas mahirap kantahin ang National Anthem. Hindi lang iisa ang nagsabi niyan sa akin, lalo na yung mga hindi basta nanghusga sa nangyari," nangingiting pahayag ni Christian.



Gusto ring ituwid ni Christian ang balitang umurong siya sa pagkanta muli ng "Lupang Hinirang" sa pagsisimula ng Pinoy Mano-Mano na hinu-host nina Cesar Montano at Bayani Agbayani.



"Gusto ko sana, kaya lang natapat 'yon sa pagpunta ko recently sa States," paliwanag ng singer. "Sinabi ko namang handa akong kantahin uli ang 'Lupang Hinirang' kung may pagkakataon. Sana nga, hindi ako magkamali uli. Nakakahiya na talaga kung magkaganoon. Kung naririto lang ako, gagawin ko talaga."



Isa raw siya sa mga nag-cheer kay Kyla nang awitin nito ang "Lupang Hinirang" sa nakaraang laban ni Manny Pacquiao kontra kay Marco Antonio Barrera sa Las Vegas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman ako ninerbiyos o inisip ko na baka magkamali rin siya," sabi ni Christian. "Walang ganoon. Ang iniisip ko, yung encouragement sa kanya, na we should all be cheering for her. Pinay 'yan, 'tapos Pinoy boxer din yung lalaban."

Sa nangyari sa kanya sa "Lupang Hinirang" blooper, naisip na lang ni Christian na marami rin ang nagtanggol sa kanya kaya hindi siya masyadong na-down doon.



WILDFIRE. Sa recent trip nila ng girlfriend niyang si Rachelle Ann Go sa U.S., something happened na ikina-disappoint ng sikat na balladeer. Ito ay ang hindi pagkakatuloy ng show nila sa San Diego, California, dahil sa wildfire.



"Dalawang shows dapat 'yun, e," napapailing na pahayag ni Christian. "Yung sa Sta. Clara lang ang natuloy. Alam naman natin 'yung balitang wildfire sa mountains ng San Diego, di ba? Maraming naapektuhan. At kahit i-postpone pa ng one week yung show namin doon, I don't think naka-recover agad ang mga tao sa damages na resulta ng calamity.



"Natural disaster din kasi 'yon kung tutuusin, at wala namang magagawa ang kahit na sino. Siguro, itutuloy na lang namin 'yon next year. Nakita nga namin yung bundok, maitim na talaga dahil sa sunog. Naaamoy pa nga 'yung usok," kuwento ng singer.



LOVERS' QUARREL?
May nakapagsabi sa amin na sa trip na 'yon, madalas raw ay parang wala sila sa mood ni Rachelle. Obserbasyon ng marami, napapadalas ang LQ (lovers' quarrel) nila.



"Uy, grabe naman 'yang spy mo!" at natawa kami sa reaksiyon ni Christian

"May times nga na ganoon, pero hindi malaking away 'yon," paglilinaw niya, "Kasi, may nagsasabi nga raw, on the verge of split-up kami. That's not true. Ang medyo napapagtalunan lang namin, yung hitches sa rehearsal, yung sa blocking. It's more professional than personal.



"Matagal din kasi kaming hindi nakapag-rehearse ng numbers namin ni Rachelle dahil nagkanya-kanya muna kami ng shows. Pero ganoon lang talaga, walang malaking away."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil lumilitaw ang compassion ng balladeer sa mga bata, gaya sa pagsuporta niya sa World Vision Philippines, ano kaya kung nariyan na yung sarili niyang anak?



"Ah, you mean, yung idea na magkakaanak kami ni Rachelle?" tanong niya. "Naku, malabo 'yan sa ngayon! Mga bata pa kami. Hindi naman basta mangyayari 'yan in the near future. Susuporta at mag-aalaga na muna ako ng mga batang nangangailangan, sa paraang magagawa ko, gaya sa suporta ng World Vision," pagwawakas ni Christian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN