Boy Abunda apologizes for Mariel Rodriguez's "kadiri" comment

IMAGE 0

Although Boy Abunda (right) was not able to watch the Pinoy Big Brother episode where Mariel Rodriguez (left), said "Kadiri ang showbiz," he apologized for the careless comment of his ward.



Maraming negative reactions ang nabuo sa sinabi ni Mariel Rodriguez na "Kadiri ang showbiz" sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house habang kausap ang celebrity housemate na si Jon Avila.

Hindi matanggap ng ilan sa mga kaibigan ni Mariel sa showbiz ang sinabi niya. Nag-aalala tuloy sila na baka hindi ang totoong Mariel ang sweet at palabating TV host ang nakakahalubilo nila sa mga showbiz gatherings. Hindi raw ba muna nag-isip ang TV host bago nagbitiw ng ganitong salita, considering na host pa naman siya ng isang showbiz-oriented talk show sa ABS-CBN, ang Entertainment Live.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Mariel na si Boy Abunda sa taping ng Boy & Kris at kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa sinabi ng kanyang alaga.



"Hindi ko napanood yung episode na ‘yon. But I apologize kung nasabi man ni Mariel ‘yon," mahinahong pahayag ni Boy.



By this time, nakarating na rin kay Boy, more or less, kung bakit nasabi ni Mariel na "kadiri ang showbiz."



"Heto na naman ako, asking for an apology," bunting-hininga ni Boy.



This is the second time na nag-apologize kasi si Boy in behalf of his talents sa Backroom, Inc. Matatandaan na humingi rin siya ng paumanhin in behalf of Ai-Ai delas Alas for negotiating with GMA-7 executive Wilma Galvante without his consent.



PBB & WOWOWEE. Samantala, isang mapagkakatiwalaang source naman ang nagsabi sa PEP na magtatagal pa rin si Mariel sa loob ng PBB house. Ito'y sa kabila ng mga binitiwang salita ni Willie Revillame sa Wowowee sa pagkawala ng kanyang co-host sa kanilang noontime show. Senyales raw ito na "naiinip" na si Willie at ang buong staff sa walang katiyakang pagbabalik ni Mariel sa Wowowee.



"Malaking tulong si Mariel sa loob ng Bahay. At the same time, dahil sa kanya mataas ang ratings ng show," diin ng aming source.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon pa sa aming source, mismong si Mr. Gabby Lopez daw na may-ari ng ABS-CBN ang may gusto na manatili pa sa PBB house si Mariel.



Last night, binigyan ng premyo si Mariel ni Kuya na makausap ang ilan sa kanyang mga mahal sa buhay pagkatapos mapagtagumpayan ang isang task na ipinagawa sa kanya.



Unang nakausap ni Mariel ang kanyang lolo na nag-celebrate ng kanyang birthday kamakailan. Ang pangalawa ay ang isang special friend ni Mariel na hindi binanggit ang pangalan. Hindi rin inilabas sa ere ang boses ng friend na kausap ni Mariel.



"Thank you for calling me. I always think of you every day...I love you," ito ang ilan sa mga sinabi ni Mariel sa kanyang friend sa telepono.

Malakas ang duda ng marami na si Zanjoe Marudo ang tinutukoy na special friend ni Mariel sa kabilang linya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN