Lovi Poe: Yes to sexy, not yet to two-piece daring

IMAGE 0

"I like to show another side of me that I can be sexy, pero wala po akong balak magpa-daring," clarifies Lovi Poe.


Marami ang nabigla nang rumampa si Lovi Poe in a daring outfit for the Aficionado celebrity scents launch last October 25 sa Palacio de Manila, Roxas Blvd. Hindi inakala ng mga nagsidatingang press na kayang magsuot ng ganoong ka-sexy na outfit si Lovi, who along with Dennis Trillo, Jason Abalos, and Erich Gonzales were given their respective signature fragrance by Aficionado Germany of Joel Cruz.

Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa pictorial ng Shake Rattle & Roll 9 sa Valencia compound last Sunday, November 4. She is part of the "Christmas Tree" episode together with John Prats, John Lapus, and Nash Aguas, under the direction of Paul Daza.

Ang una naming tinanong sa kanya ay kung magpapa-sexy na ba siya.

"Naku, hindi pa po," natatawang sagot niya.

Pinaalala namin kay Lovi ang mga naglabasang balita sa pagsi-sexy outfit niya sa Aficionado launch.

"That goes with the image they want me to project for my new perfume," paliwanag niya.

Sa press release ng Aficionado, it states that, "LOVI by Aficionado captures the irresistible charm of Lovi Poe. Just like this young woman, the scent is subtly daring and sexy. It exudes enchanting appeal that will captivate everyone."

Dagdag ng young singer-actress, "Besides, I like to show another side of me that I can be sexy, pero wala po akong balak magpa-daring."

Inamin ni Lovi na nakatanggap na rin siya ng offer sa leading men's magazines to pose, pero lahat ay tinanggihan niya.

"Hindi ko po kaya ‘yon," sabi ni Lovi. "Ayoko pong magsalita ng tapos, pero sa ngayon talaga, hindi ko kayang mag-two-piece. Baka ang most daring ko, tank top at shorts lang. Papayag ba sila?"

Sa ngayon, bukod sa Zaido: Pulis Pangkalawakan where she plays Mona, ang leading lady ni Marky Cielo, busy pa rin si Lovi sa pag-aaral.

Wala pa rin siyang boyfriend hanggang ngayon. Hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Marky na una niyang nakasama sa Bakekang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din namin si Lovi tungkol sa na-link sa kanya noon na si Cogie Domingo.

"We're just friends. Kaya lang no communication kami lately," sagot ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN