Luis Manzano asks fans to help him decide gift for his mom Vilma Santos

IMAGE 0


TV host-actor Luis Manzano still cannot decide what to buy as abirthday gift to his famous mom, actress-politician Vilma Santos."Gusto ko sana ay isang bagay na magagamit niya sa office niya inBatangas... I just don't know what to buy," he says.



Inamin ni Luis Manzano sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi pa siya nakakabili ng regalo para sa kanyang famous actress-politician mom na si Governor Vilma Santos-Recto, na nag-celebrate ng kanyang birthday last November 3. Ayon kasi kay Luis ay mahirap regaluhan ang isang taong halos lahat ay meron na.



"Ang hirap talaga!" bulalas niya. "Kasi I know that my mom has almost everything. Ayoko namang itanong sa kanya kung ano ba ang gusto niya. It wouldn't be a proper thing to do kung gusto mong sorpresahin ang isang taong mahal na mahal mo. I am still thinking of the right and perfect gift for my mom."



Noong isang taon daw ay isang expensive DKNY wristwatch ang iniregalo ni Luis sa kanyang ina.

"Gusto ko sana ay isang bagay na magagamit niya sa office niya in Batangas," sabi ni Luis. "Now that she's in a new position in Batangas, for sure na mas malaki ang office niya, and mas maganda yung useful sa trabaho niya yung ireregalo ko. I just don't know what to buy. Kaya nga sa website ko, I asked the fans to help me pick a gift for my mom kasi nauubusan na ako ng ideas."



May nag-suggest kay Luis na bumili na lang siya ng pinaka-latest na laptop dahil magagamit ito kahit saan man ng kanyang ina. Pero sabi ni Luis ay meron na raw ito sa office ng mommy niya at kailan lang nga raw ay ipinaayos ito dahil nag-crash ang system nito.



"They should have asked me nga what kind of laptop na dapat bilhin. Kasi may system kasi na madaling pasukan ng virus at may system na hindi basta-basta maaapektuhan. My brother [Ryan Christian] kasi, maraming nai-download sa laptop ni Mommy kaya nag-crash yung system. Kaya pinaayos kailan lang yung laptop," kuwento ng young TV host-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kahapon, November 5, ay nagkaroon ng birthday celebration si Vilma sa Batangas kapiling ng kanyang mga katrabaho, mga kaibigan, at constituents ng lalawigan. Noong mismong araw ng kanyang kaarawan, November 3, ay binigyan siya ng special birthday celebration sa noontime show ni Willie Revillame na Wowowee.



"Grabe sa dami ng tao!" bulalas ni Luis. "Muntik na nga akong hindi makapasok. May ibang mga fans pa si Mom na hindi nakapasok sa studio. I guess it was the biggest birthday celebration she had on TV. Usually kasi, we just go abroad or spend it with family and relatives.



"Now that my Mom has a different position, mas kailangan na nandito siya [sa Pilipinas]. I understand what she's into right now. At least, she's doing it for lots of people. Kaya kaming pamilya niya, we're always here to support her," sabi ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN