Anne Curtis explains her statement about Sam Milby's decision to sue Lolit Solis

IMAGE 0


Young actress Anne Curtis was affected by the negative reaction she gotafter saying that Sam Milby's (inset) decision to sue Lolit Solis wasbased on a verse he read in the Bible.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Anne Curtis sa launching ng fitness video nila ni Luis Manzano na Bump and Burn kahapon, November 5, sa Jay's Steak along Timog Avenue, Quezon City.

Inusisa si Anne tungkol sa sinabi niya sa panayam niya rito sa PEP na base sa Bible ang naging desisyon ng kaibigan niyang si Sam Milby na idemanda si Lolit Solis. Ito ay kaugnay ng naisulat ni Lolit sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon na nakita niyang nagbubulungan sina Sam at Piolo Pascual sa coffee shop ng isang hotel.

Halatang madaling naapektuhan si Anne at nahuli siyang parang natulala matapos siyang sabihan na maraming nag-react sa nasulat dito sa PEP, na sinabi niyang nag-decide si Sam na idemanda si Lolit dahil sa isang verse na nabasa nito sa Book of Chronicles sa Holy Bible. May feedback din na sana raw ay nabasa rin ni Sam ang Book ng Corinthian na sinasabi naman doon na hindi dapat magdemanda ang isang true Christian.

"Iyon kasi ang sinabi sa akin ni Sam," medyo malungkot na sagot ni Anne nang hingan ng reaksiyon tungkol dito.

"Di ba, kapag nagbabasa ka ng Holy Bible na may question ka sa isip mo, parang sinasagot ito ng nababasa mong verse? Kaya sa interview, nang tinanong nila ako sa opinion ko regarding sa pagdedemanda ni Sam kay Nanay Lolit, iyon ang isinagot ko sa kanila—na galing sa Holy Bible ang decision ni Sam.

"Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa rin ang forgiveness at huwag na lang matuloy ang demanda niya. Ako rin, everything I'm doing now in my life, based sa nababasa ko sa Holy Bible," paliwanag ng young actress.

Medyo na-relieve si Anne nang sabihin ng mga kaharap niyang press na wala naman talagang masama sa sinabi niya. Basta panindigan lang niya kung ano ang conviction niya at hindi siya dapat magpaapekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, may balitang natanggap ang PEP na bukas, November 7, nakatakdang bumalik sa Pilipinas sina Sam at Piolo with Pokwang from their series of shows in Canada. Ang sabi, una nilang gagawin ang meeting sa kanilang lawyer at kay Mr. Johnny Manahan ng Star Magic upang pag-usapan ang balak nilang pagsampa ng kaso kay Manay Lolit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN