PEP EXCLUSIVE: Snooky Serna painfully recalls rape trauma

IMAGE 0

"Hindi totoong ni-retract ko yung sinabi ko na hindi rape 'yon kunghindi seduction. Higit kanino man, ako ang nakakaalam nun dahil akonaman ang na-rape, di ba? It was really rape," insists actress Snooky Serna.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) para sa isang exclusive interview ang aktres na si Snooky Serna noong November 5 sa Dome, isang coffee shop sa M. dela Rosa Street, Makati. Nangako agad si Snooky sa sarili na 'yon na ang huling pagsasalita niya about the rape issue, na binuksan niya nang mag-guest siya sa radio program ni Mo Twister.



"May nasira sa buhay ko na pinagdurusahan ko pa rin," sabi ni Snooky tungkol sa nailahad niya sa publiko na paggahasa sa kanya at the age of 14.



"Hindi totoong ni-retract ko yung sinabi ko na hindi rape 'yon kung hindi seduction. Higit kanino man, ako ang nakakaalam nun dahil ako naman ang na-rape, di ba? It was really rape.



"Nang mangyari sa akin 'yon, naninigas ang buong katawan ko, because I was resisting," napatiim-bagang si Snooky.



All the while, itinago niya ang pangyayaring 'yon sa publiko, at maging sa asawa niya noong si Ricardo Cepeda. Napansin nga ni Snooky na ngayon ay parang mas nauunawaan siya ng ex-husband niya.



Ayon kay Snooky, "Dapat talaga sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat. Baka na-save pa ang marriage namin. Baka naintindihan pa niya kung bakit ako nagkakaganoon.



"Nang mag-usap kami kasama ang dalawa naming anak [Samantha and Sachi], hinawakan ako ni Richard sa balikat. 'Tapos, hinaplos-haplos niya ang ulo ko. Wala siyang sinabi, pero nararamdaman ko kung ano ang gusto niyang sabihin. Gusto kong maiyak, pero ayoko na. Huwag sa harap ng mga anak ko, at baka sabihing sobra-sobra nang drama ang nagaganap sa buhay ng mommy nila," kuwento ng dating child actress.



INNOCENCE LOST. Katulad ng ibang rape victims, minsan daw ay naroroon pa rin ang galit ni Snooky sa lalaking lumapastangan at nagsamantala sa kanyang innocence.



"Pinangakuan niya ako ng kasal," paggunita ni Snooky. "Kasi sabi niya, doon din naman ang punta namin. Ano ang gagawin ng isang 14-year-old na gaya ko at that time? Virginal at wholesome ang pinu-project ko. Ang inisip ko rin siyempre noon, yung sobrang kahihiyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Masakit lang na doon sa taong 'yon, na dahilan kung bakit ako nagkaganito, parang dedma lang siya. Gusto ko siyang sugurin at that time na sinabi niya sa isang interview sa kanya kung bakit yung wife niya ang pinakasalan niya— dahil sa tingin niya, ito ang higit na karapat-dapat."

Napamura si Snooky pagkatapos. "I was a virgin when he raped me! 'Tapos, magsasalita pa siya ng ganoon? May dapat silang ipagpasalamat sa akin dahil hindi na ako naghabol, at nagparaya ako dahil buntis na at that time ang pinili niyang pakakasalan niya!" nakagugulat na pahayag ni Snooky.



For reasons that may implicate other people, na nananahimik na rin, hindi na namin magawang i-reveal ang tunay na identity ng tinutukoy ni Snooky.



"May pamilya siya na puwedeng masira," sabi ni Snooky. "Naiisip ko rin 'yon, kasi wala silang kinalaman dito. Pati na ang repercussions na puwedeng ikadamay pa ng mga anak ko, kaya talagang ito na ang huling pagsasalita ko."



SEX PROBLEM. Dahil sa trauma ng naganap kay Snooky, nag-iba rin ang tingin niya sa sex. Aminado siyang ang ilang bagay na may kinalaman dito ang nakaapekto nang husto sa pagsasama nila ni Ricardo kaya humantong ito sa hiwalayan.



"It's one of the reasons," Snooky confides. "May time, we were having sex, bigla na lang maaalala ko yung nangyari sa akin. Parang nagbabalik ako sa pagkabata.



"Akala ko, sa pelikula lang nangyayari 'yon. Pero bigla na lang matitigilan ang ex-husband ko sa ginagawa niya sa akin dahil maririnig na lang niya akong nagdarasal.



"Sana, sa pagkakataong 'yon, dapat sinabi ko na kay Richard kung ano yung matagal ko nang itinatago sa dibdib ko. Maski ang pagsasama namin nawindang dahil hindi niya alam kung paano ako iintindihin," pagtatapat ng aktres.



RECONCILIATION. Puwede pa raw nilang buuin ni Richard ang pagsasamang minsan nang nawasak. Sa recent developments, mayroon talagang malaking posibilidad na mag-reconcile sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ani Snooky, "Tanungin mo ang mga anak ko, they would say otherwise. Sabi nga ni Sam, okay na raw kaming ganito, friends na lang. Siguro na-confuse din ang mga bata noong time na nagsasama kami.



"Ngayon, nakakaramdam sila ng peace. I am able to face the demons. Ngayon ako nagkakaroon ng self-confidence na magsalita tungkol sa mga bagay at mga taong nakasakit sa akin.



"Sawang-sawa na ako sa mga maskarang ikinabit ko sa mukha ko, sa tagal nang inilagi ko sa showbiz. Tama na. At wala na rin akong pakialam sa point na ito ng buhay ko tungkol sa sasabihin ng iba laban sa akin. I can never satisfy everybody, and I won't live any longer just thinking about that," matapang na pahayag ng aktres.



Tuloy ang buhay para kay Snooky. Kapag pinatatawag siya sa taping ng La Vendetta, dumarating siya on time, mas maaga pa nga kaysa sa direktor nila rito. At effort talaga 'yon, na pati sa appointment namin ay nauna pa talaga siya sa meeting place kaysa amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN