Anne Curtis holds 10th year anniversary celebration at Market! Market!

Nov 11, 2007
Ang 22-year old actress na si Anne ay isang dekada nang talent ng Viva Artists Agency. Mula sa pagiging bahagi ng cast ng TGIS sa GMA-7 noon ay isa na siya sa mga pinakapaboritong aktres ng mga TV viewers.


Noong October 28 ay idinaos sa Market! Market!, The Fort, Taguig City, ang 10th year anniversary ni Anne Curtis sa showbiz.

Nagsimula ang nasabing anniversary celebration ng alas seis ng gabi. Co-host ni Anne ang showbiz host ng Umagang Kay Ganda na si Ogie Diaz.

Paglabas ni Anne sa stage—nakasuot siya ng blue fitted blouse na may peace sign—ay mababakas sa mukha niya ang kaligayahan. Sinalubong naman siya ng kanyang mga fans ng malakas na palakpakan.

Nagpaunlak ang Viva talent ng kanta at sayaw, kung saan sinamahan siya ng back-up dancers. Pagkatapos, inaya na si Anne na umupo sa tabi si Ogie para sa kanilang question-and-answer portion.

Ang akala ng dalaga ay igigisa siya ng naturang host, pero ipinanood sa kanya ang isang video na nagpakita ng greetings mula sa kanyang mga celebrity friends. Magkahalong galak at iyak ang nakita namin kay Anne nang mapanood niya ito. Ilan sa mga bumati sa kanya ay sina Sam Milby, Piolo Pascual, Vhong Navarro, Luis Manzano, John Lloyd Cruz, Iya Villania, Bea Alonzo, Diether Ocampo, Mickey Perz, at iba pa.

Continue reading below ↓

Lalong tumindi ang kaligayahan ni Anne nang dumating ang best friends niyang sina Aiza Marquez at Vanna Garcia upang maghandog ng kanta.

Personal namang dumating din para bumati si Zanjoe Marudo. Sa isang laro kung saan kasama si Zanjoe, kinilig at hindi nakapagsalita ang isang fan. Tinanong naman ng modelo ang fan kung bakit ito napipi. Sinagot ng babae na hindi siya makasagot dahil sa nakaakbay sa kanya ang dating housemate.

Pagkatapos bumati ni Zanjoe, dumating naman si Oyo Boy Sotto, na dating boyfriend ni Anne. May dala itong isang bouquet of flowers. Sabi naman ni Anne, sa lahat daw ng naging bf nya ay si Oyo ang paborito niya.

Present din sina Mark Bautista at Carlo Aquino na parehong nagpaunlak ng dalawang awitin. Nag-perform din ang bagong grupo ng Viva, ang Mocha.

Sa bandang audience area naman ay nakita namin sa harapan ang father ni Anne at proud itong pinapanood ang kanyang anak sa stage. Kahilera ng upuan ng dad ni Anne ay ang general manager ng Viva Artist Agency at anak ni Vic Del Rosario na si Veronique Del Rosario Corpus at ang asawa niyang si Jonathan Ilagan, na mas kilala bilang direk John Corpus.

Continue reading below ↓

Bilang finale ay rumampa si Anne kasama ang ilang modelo na suot ang damit na kanyang iniindorso. Bago pa man matapos ang celebration ay nagpa-auction na si Anne ng kanyang mga damit at iba pang kasangkapan. Pero hindi man lang nakarating ang mga ito sa stage dahil pinagkaguluhan na ng mga tagahanga at sold out lahat kaagad.

Sa kabuuan ng show ay limang beses naming napansin na nagpalit ang young actress ng damit, at bale, 9:30 p.m. na noong natapos ang show. Iilan na lang ang napagbigyan ng Viva na makapagpa-autograph sa 22-year-old Kapamilya star, dahil bukod sa sarado na ang mall, ay pagod na rin ang lahat.

Read Next
Read More Stories About
Anne Curtis, anniversary
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang 22-year old actress na si Anne ay isang dekada nang talent ng Viva Artists Agency. Mula sa pagiging bahagi ng cast ng TGIS sa GMA-7 noon ay isa na siya sa mga pinakapaboritong aktres ng mga TV viewers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results