PBB celebrity housemate Riza Santos clarifies rumors linking her to Mark Bautista

by Nerisa Almo
Nov 7, 2007
Beauty queen Riza Santos (right) opens up to Pinoy Big Brother co-housemate Jon Avila about the rumors linking her to singer Mark Bautista (left). "I don't know how things got so twisted and everything. I think it was just a misunderstanding and he [Mark] was kinda like me but I didn't like him. I don't how to tell people that I don't like them," said Riza.

Bago matulog ang Pinoy Big Brother celebrity housemates na sina Jon Avila at Riza Santos kaninang madaling-araw, November 7, nag-usap muna ang dalawa tungkol sa mga intrigang natanggap na nila sa showbiz.

Sa kanilang pag-uusap, nagbukas ng kanyang feelings si Riza tungkol sa mga isyu na nag-uugnay sa kanya at sa singer na si Mark Bautista. Una, inamin ni Riza na nagkakilala sila ng singer sa Canada nang magkaroon ng show sina Mark at Sarah Geronimo doon. Ngunit nadismaya ang dalaga nang magsimula na ang pagli-link sa kanilang dalawa.

Nabalitaan daw ni Riza na magma-migrate sa Canada si Mark para sa kanya. Ayon sa beauty queen, "While I was away, while I was in Canada, my best friend, she email me this link to YouTube and the heading was he [Mark] was migrating to Canada for Riza Santos. I was like, ‘Oh, my gosh!' I was so mad. For me, I felt disrespected."

Continue reading below ↓

Patuloy pa ng former beauty queen, "Then, I saw in Philippine Entertainment Portal that he said that we were dating. The reason why I told you [Jon] about those other things... Yeah, we went to the mall, I think that was in Glorietta, the time when I went with my parents when I came here. We went to the Japanese restaurant, that was the time I went with my friend. We even went to church together and that was the time I went with my parents."

NOT A DATE. Inisa-isa rin ni Riza kay Jon ang mga pagkakataon na nagkasama sila ni Mark. Nilinaw rin na hindi ito maituturing na "date" ang kanilang paglabas-labas dahil may iba pa silang mga kasama.

Ayon kay Riza, ang unang pagkakataon na lumabas sila ni Mark ay nang dumating siya rito sa Pilipinas. Salaysay ni Riza, "I got to the Philippines and, like, after a week, I started contacting people that I'm here na. And then, he's like, ‘Oh, we should meet up. What are you doing tomorrow?' I'm like, ‘Well, I'm going to the mall with my family.' And then, he said, like, ‘Sama ako? Hihi' And I was like, ‘Hehe. You can come if you want.' And there's no harm in that and he seems like a nice person."

Continue reading below ↓

Inamin din ng dalaga na minsan na rin siyang nagpunta sa simbahan na pinupuntahan ni Mark, ang Victory Christian Fellowship. Pero nilinaw niyang muli na kasama niya ang kanyang mga magulang noon.

Nasundan pa raw ito nang minsan kasama niya ang isang kaibigan. Aniya, "I was hanging out with my friend at The Fort and we just had dinner at her house. And he [Mark] was, like, he wanted to meet up with us. We already ate but he hasn't eaten yet, so we went to a Japanese restaurant and we kinda waited for him while he ate."

At ang pinakahuling naikwento niya ay nang imbitahin siya ni Mark sa CD launch party nito.

"He had like a CD launch party and then he invited me to go. And then, I was like, ‘Okay, well, I'm gonna bring my family.' I went with my mom, my dad, my cousin, my two nieces. And then, the next day I was really surprised. He came out on UNTV, it was like...because they were interviewing him for a really long time and then I saw the interview the next day. It was like... They made it look like as if I was the only one there."

Continue reading below ↓

DISMAYED. Inamin ng dalaga na nadismaya siya sa mga lumabas na balita tungkol sa kanilang dalawa ni Mark. At bilang baguhan sa showbiz, hindi rin niya diumano nagustuhan ang pagsasapubliko ng mga isyu na hindi naman totoo.

Aniya, "I was really mad. Like for me, I mean, it's come up a lot that I don't have a boyfriend and that's because I really wanna wait for someone that was, like, really important to me. It just bothered me because it was, like, him [Mark] and it was so public."

Alam ni Riza na maraming fans ni Mark ang nagalit sa kanya dahil sa mga naglabasang artikulo, kasama na ang paglilinaw ng beauty queen na hindi totoo ang pagde-date nila ng singer.

Paliwanag niya, "Well, I tried to make things clear. I don't like saying this out loud... That's what I told the news reporters and everything, but the article that came out sounds like, ‘Na-hurt si Mark Bautista sa pag-deny ni Riza Santos.' I hurt his fans, they got mad at me. They said I was, like, lying and things like that. And then, I came out on all issues with him."

Continue reading below ↓
Gayunman, sinabi ni Riza na sa kabila ng mga kontrobersiyang lumabas, "I'm still friends with him again."
Read Next
Read More Stories About
Mark Bautista, PBB
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty queen Riza Santos (right) opens up to Pinoy Big Brother co-housemate Jon Avila about the rumors linking her to singer Mark Bautista (left). "I don't know how things got so twisted and everything. I think it was just a misunderstanding and he [Mark] was kinda like me but I didn't like him. I don't how to tell people that I don't like them," said Riza.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results