Tintin Bersola launches her third children's book

IMAGE 0

"It was my mom who told me that it's not physical beauty, but apure heart that makes somebody beautiful. Doon ako nabuhayan ng loobbecause I realized that I have to embrace my own beauty—the beauty thatGod gave me. Ako na ang bahala to make it shine through my personality," says Tintin Bersola-Babao.



Lumabas na ang ikatlong children's book ni Christine "Tintin" Bersola-Babao na may titulong The Story Of Christine. Ginawa ang book launch sa Glorietta Activity Center kahapon, November 7.



Dapat ay noong October 26 ginawa ang book launch, na magiging early birthday celebration din sana for Tintin (her birthday was last October 30). Pero naganap ang pagsabog ng isang bomba sa Glorietta 2, a day before the scheduled book launch.



"Kaya we have no choice but to postpone it to a much better date," sabi ni Tintin sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "We understand naman what happened dahil nagkaroon pa ng imbestigasyon. Kaya nga we prayed na sana matuloy na ito and it did, kaya masayang-masaya kaming lahat."



GROWING UP. Ang bagong children's book ni Tintin ay tungkol sa mga naranasan niya bilang isang growing teenager. Ikinuwento ng TV personality na noong nasa grade school pa siya, isa siyang ugly duckling at malaki ang inggit niya sa mga mestiza.



Kuwento niya, "I was dark-skinned, medyo chubby, marami akong pimples sa mukha, at mas matangkad ako kesa sa mga classmates ko. Tawag nga sa akin noon ay 'Agatona.' Yun yung mga times na I was so shy and the boys in school made fun of me. Naka-braces pa kasi ako noon.



"But it was my mom who told me that it's not physical beauty, but a pure heart that makes somebody beautiful. Doon ako nabuhayan ng loob because I realized that I have to embrace my own beauty—the beauty that God gave me. Ako na ang bahala to make it shine through my personality."



Ang The Story of Christine ay handog ni Tintin sa lahat ng mga kababaihan na dumaan sa stage na akala nila ay hindi sila maganda. Malalaman nila na ang tunay na kagandahan ay nanggagaling sa puso.

Naging special guests ni Tintin sa kanyang book launch sina Maricel Laxa-Pangilinan, Cheryl Cosim, Snooky Serna, at KC Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Available na ang The Story of Christine sa lahat ng Goodwill Bookstores and Bridges Bookstores. Published ito ng Katha Publishing, Inc.



FALSE ALARM. Samantala, sinabi rin ni Tintin na akala nila ng mister niyang si Julius Babao ay masusundan na ang kanilang panganay na si Antonia. Two months daw kasi siyang na-delay sa kanyang monthly period, pero just last week ay bigla siyang nagkaroon.



"Well, we were hoping nga talaga na sana this year ay mabuntis ako. We really thought na 'yun na nga ‘yon, pero false alarm pala. Anyway, marami pa namang pagkakataon to try to have a baby again. Bahala na ang Diyos kung kailan niya kami bibigyan ulit ni Julius.

"As for Antonia, gusto niyang solo muna siyang anak namin at ang baby namin ngayon ay itong bagong libro ko," pagtatapos ni Tintin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN