Alfred Vargas encourages girlfriend LJ Reyes to pose for sexy mags

by Rey Pumaloy
Nov 8, 2007
"Sexy naman siya talaga. Feeling ko, marami pang magagandang katangian si LJ na maipagmamalaki niya sa mga tao. Isa na nga yung natural sexiness niya," beams Alfred Vargas about his girlfriend LJ Reyes.


Kapag madesisyunan na ng young actress na si LJ Reyes na magpa-sexy, hindi ito magiging problema sa kanyang kasintahan na si Alfred Vargas. Kahit wala pang tinatanggap si LJ mula sa mga nagkakainteres na men's magazines, pumapayag na si Alfred na magpa-sexy ang girlfriend.

Sa presscon ng bagong Sine Novela ng GMA-7, ang My Only Love, kagabi, November 7, sinabi ni Alfred na payag siyang mag-pose nang sexy si LJ sa kahit na anong men's magazine na gusto niya.

Diretsahang sinabi ni Alfred sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na gusto niyang makita ang kasintahang may sexy photos sa mga magazine.

"Sexy naman siya talaga. Feeling ko, marami pang magagandang katangian si LJ na maipagmamalaki niya sa mga tao. Isa na nga yung natural sexiness niya," pahayag ni Alfred.

Ayon pa kay Alfred, ang pinaka-stand out daw sa kaseksihan ni LJ ay ang maganda nitong kutis. "All natural ang kutis niya. Walang enhancement, walang retoke. Ipinanganak na siyang gano'n ang complexion niya," pagmamalaki ng sexy actor.

Continue reading below ↓

Hindi pa nga lang daw buo ang loob ni LJ sa paglalantad ng kanyang katawan. Isa sa ikinaiilang niya ay ang kanyang maliit na boobs.

Sa puntong ito, tututol na raw si Alfred kapag naisipan ng kanyang girlfriend na magpabago o magpalaki ng dibdib sa pamamagitan ng plastic surgery.

"Ah, huwag na!" bulalas ng binata. "Hindi na kailangan. Tama lang naman sa kanya yung dibdib niya. Hindi na niya kailangang magdagdag, sexy na siya as it is. Bagay naman 'yon sa kanya."

Kung sakaling dumating sa puntong pumayag na si LJ na magpa-sexy, hindi raw ito sasamahan ni Alfred sa pictorial nito. "Feeling ko kasi kapag sinamahan ko siya, mas lalo siyang maku-conscious," rason ng binata.

Nililinaw lang ni Alfred na hindi niya pinupuwersa o pinipilit ang kasintahang magpa-sexy. Kung sakali lang na mapapayag na itong mag-pose sa kahit na anong men's magazine, ibinibigay na niya ang blessing sa aktres.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Alfred Vargas, LJ Reyes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sexy naman siya talaga. Feeling ko, marami pang magagandang katangian si LJ na maipagmamalaki niya sa mga tao. Isa na nga yung natural sexiness niya," beams Alfred Vargas about his girlfriend LJ Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results