Toni Gonzaga's Mommy Pinty would love to have a grandchild

IMAGE 0

"Ako kasi, kung saan maligaya ang anak ko, okay lang. Tinatanong ko rinminsan si Toni at sinasabi ko sa kanya na baka naman gusto na niyangmag-asawa. Ang dami pa raw niyang plano," says Mrs. Pinty Gonzaga about daughter Toni Gonzaga (in photo).



Kinumpirma ng ina ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty ang nasagap na balita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagpapaopera niya ng kanyang dibdib. Early this year na-detect ng mga doktor ang maliit na bukol sa kanang suso ni Mommy Pinty during her annual general check-up. Simula noon ay panay-panay na ang pagpapagamot niya at noong August ay nagpaopera na siya para tanggalin ang mga bukol na ito. Laking pasasalamat daw ni Mommy Pinty sa mga nagdasal para sa kanyang paggaling, lalo na ang kanilang church na pinupuntahan sa Taytay, Rizal.

Kuwento pa ni Mommy Pinty, hindi raw nagpakita ng sobrang pag-aalala ang dalawang anak niya na sina Toni at Alex nang malaman ang karamdaman ng ina. Feeling naman daw kasi ng dalawa na gagaling agad ang kanilang mommy.

TONI GONZAGA. Masaya si Mommy Pinty dahil nakapiling pa rin nila si Toni sa selebrasyon ng kanyang kaarawan last November 1. Ang mga magulang lang kasi ni Toni ang nakakaalam na papasok ang TV host-actress sa loob ng Bahay ni Kuya. Pumayag sila na ipasok si Toni sa Pinoy Big Brother (PBB) house sa kasunduan na ilalabas din siya sa birthday ni Mommy Pinty. Pero na-extend pa si Toni ng ilang araw dahil na rin sa pakiusap ng PBB.

Umiyak daw kay Mommy Pinty ang kasintahan ni Toni na si Direk Paul Soriano nang makulong sa Bahay ni Kuya ang dalaga. But after a while na ma-explain ni Mommy kay Direk Paul ang lahat, naibsan na rin ang lungkot ng binata.

Tinanong ng PEP si Mommy Pinty kung handa na ba siyang magkaroon ng apo kay Toni.

"Ay! E, siyempre, okay lang!" nagulat ngunit mabilis niyang sagot. "Kung talagang ready na sila, wala namang problema. Pero ang tingin ko kay Toni, ewan ko ha, masyado siyang ano sa trabaho.

"Naku, baka matuwa si Paul. Sabihin gusto ko nang mag-asawa si Toni. Ako kasi, kung saan maligaya ang anak ko, okay lang. Tinatanong ko rin minsan si Toni at sinasabi ko sa kanya na baka naman gusto na niyang mag-asawa. Ang dami pa raw niyang plano," lahad ni Mommy Pinty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikuwento rin ni Mommy Pinty na nagbabalak na si Toni na bumili ng bagong kotse bilang birthday gift sa sarili niya sa January 20, 2008. Ayon sa ina ni Toni, either Patrol or E150 ang type ng kanyang anak. Habang yung BMW car ni Toni na birthday gift niya sa sarili last year ay ibibigay na niya sa kanyang parents.

Hindi na raw kailangang palitan ang registration ng BMW car ni Toni o kapag tuluyan na niya itong ibigay sa kanyang parents dahil lahat naman ng mga pag-aari ng TV host-actress—including yung lupa't bahay niya sa Taytay, pati na peso and dollar accounts niya sa bangko—ay naka-and/or sa pangalan ni Mommy Pinty.

Kaya wala raw kaproble-problema si Mommy Pinty once na magpakasal si Toni kay Direk Paul dahil lahat ng properties ni Toni ay kabahagi ang pangalan nila. Hindi na kailangan pang magpa-pre-nuptial agreement si Toni kay Direk Paul once they decided to get married.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN